Chapter 11 No meaning

1663 Words
Kristel: PUPUNGAS-PUNGAS AKONG napaangat ng mukhang naniningkit ang mga matang iginala ang paningin sa paligid. Napakabigat ng ulo at katawan ko na para akong lalagnatin! Napasapo ako ng ulong muling naisubsob sa unan ang mukha nang mamukhaang nasa unit ako ni Louis. "Uhmmm.." napalunok akong dahan-dahang napalingon sa katabi ko at namilog ang mga matang makita si Louis sa tabi kong.... hubot-hubad, tulad ko!? "Fūck! Kristel!" napasabunot ako sa ulong pilit bumangon sa namimigat kong katawan! Para akong nakalutang na makumpirmang totoo ang mga namagitan sa amin ni Louis kagabi! Kung paano niya ako inangkin.....na pangalan ni Liezel ang sinasambit! Nangangatog ang mga tuhod kong isa-isang pinulot ang mga gamit kong nagkalat sa sahig at nagtungo ng banyo. Daig ko pa ang napasabak sa matinding ensayo sa panghihina at bigat ng katawan! Mapait akong napangiting tumapat ng shower head na humarap sa repleksyon ko sa salamin. Napatitig ako sa sariling may mga bakas ng pulang marka na iniwan ni Louis. "Stop crying Kristel, ginusto mo. Panindigan mo" pagkausap ko sa sariling luhaang nakamata sa aking repleksyon. Pilit akong ngumiti na dahan-dahang nilinisan ang sarili. Dama ko pa rin hanggang ngayon ang kirot sa pāgkababaē kong tila namamaga na ngayon! Matapos kong makaligo at naayos ang sarili ay lumabas na rin ako ng banyo. Naabutan ko namang nahihimbing pa rin si Louis na ikinalapit ko dito. Maingat akong naupo sa gilid ng kama na nahaplos ito sa ulo. "Sana balang araw makita at mapansin mo rin kung bakit ako laging nandidito para sayo. Mahal na mahal kita. Handa akong maghintay kahit gaano katagal, kahirap at kasakit bago ko makamit ang pagmamahal mo. Sa ngayon? Hayaan mo lang akong nasa tabi mo para damayan ka sa lahat ng oras. Suportahan, protektahan, pangalagaan at mahalin. Kahit hindi ako, ang babaeng nais mong gumawa non para sayo. Lagi akong nandiditong handang makinig ng paulit-ulit sayo Louis" pagkausap ko ditong ikinatulo ng luha ko. Napayuko akong magaang humalik sa kanyang noo at mga labi bago lumabas na iika-ika ng kanyang unit. Nangangatog ang mga tuhod ko at hindi makalakad ng maayos na parang may nakaipit sa pagitan ng mga hita ko. "Urgghh! Fūck!" mariin akong napapikit na napahigpit ng hawak sa manibela pagkaupo ko! Siya namang pag-vibrate ng cellphone kong nasa pouch na agad kong dinampot. Napapilig akong makitang si Naeya ang tumatawag ng ganto kaaga. "Buddy?" "Hey buddy where are you?" bungad nito sa kabilang linya. Napahinga ako ng malalim na in-start na ang engine at nagmaneho palabas ng condominium ng mga Montereal. "Palabas ng MCB buddy, bakit?" pagtatapat ko. "Nasa condo mo ako. Hintayin kita dito" napakunotnoo akong naipilig ang ulo. "Okay. I'm on my way buddy" pagkababa ko ng linya ay binagtas ko na ang kahabaan ng EDSA patungo sa condominium namin. Napapapilig ako ng ulo na iniisip kung bakit nandon si Naeya ng ganto kaaga. Imposible naman kasing magkaproblema siya sa magulang lalong-lalo na sa boyfriend nitong isang mafia bigboss. Si Dwayne Matthew Madrigal. NAGMAMADALI AKONG binagtas ang hallway patungong unit ko. Naabutan ko nga si Naeya na nakasandal sa may pinto. Nakapamulsa at parang modelong naka-posing lang sa itsura nito. Napakunotnoo ako na mapasadaan ang itsura nitong naka-all black mula sa black boots, pants, leather jacket at nakapusod ang mahabang buhok. Madalas kasi ay saka lang kami nagsusuot ng all black kapag may sikretong mission kaming magkakaibigan. Dahil kaming anim lang naman ang tinaguriang 'the dangerous angels' mga all trained secret assassin's na hindi alam ng mga taong nakapaligid sa amin maging ng mga magulang namin. "Buddy?" untag ko ditong mariing nakapikit na tila may iniinda. Dahan-dahan itong nagmulat at kita ang kirot at pagod sa kanyang mga mata. Bahagya din itong namumutla na ikinakilabot kong kaagad sinalo ito sa tuluyan niyang pagbagsak na mawalan ng malay! "Naeya!? Fūck! Buddy wake-up!" Kaagad kong binuksan ang unit ko at pinangko ito papasok ng unit. Saka ko lang napansin na basa ang pants nitong tumatagas ang dugo sa kanyang tagiliran!! Taranta kong kinuha ang emergency kit ko at nagdala ng malinis na tubig at towel sa sala kung saan ko ito inihiga. Nangangatal ang kamay kong dahan-dahang binaba ang zipper ng leather jacket nito. Napapabuga ako ng hangin na kinakalma ang puso at isip ko para makapag-concentrate sa paggamot dito. Nakahinga ako ng maluwag na makitang mula sa kutsilyo ang sugat nito sa tagiliran at hindi sa tama ng baril! "Uhmm..." mahinang ungol nito na napapakunot noo sa unang paglilinis ko ng alcohol sa sugat nito. Mabuti na lang at hindi kalakihan ang sugat na kayang-kaya kong tahiin. "Sorry buddy. Tiis lang konti" aniko na hinihipa-hipan ang sugat nitong nasa anim din ang tahi. Malalalim ang paghinga nito na kahit nakatulog ay kitang iniinda nito ang sugat. Napatitig ako dito na kunot ang noo. Wala naman kasi siyang nabanggit na may lakad o problema ito. Matapos kong malinisan at bihisan si Naeya ay nagluto na muna ako ng sabaw para dito. Inaantok pa ako at masakit ang kepyas kong winasak ni Montereal pero dahil kailangan ako ni Naeya ay balewala ang kirot, pagod at antok na nararamdaman ko. "D-Dwayne...uhmm..." napalingon ako dito na napapapilig ng ulong salubong ang kilay. Ginagap ko ang kamay nitong marahan kong pinipisil-pisil. "Naeya. Wake-up buddy" pagyugyog ko ditong tila binabangungot. "Janaeya" "Uhmm" mahinang ungol lang nito na unti-unting nagdilat ng mga mata. Napapakurap-kurap pa itong inaaninag ang paligid. "Hey" napalingon ito sa aking tipid na ngumiting ikinangiti kong hinaplos ito sa ulo. "How do you feel buddy?" marahang tumango lang ito na may tipid na ngiti. Bakas pa rin ang pagod at panghihina dito. "Are you hungry? Do you want something to eat? Should I call Dwayne?" magkakasunod kong tanong na inilingan lang nito. "Water please" mahinang sagot nitong ikinatayo ko at dinalhan ito ng bottled water na tinulungang ipinainom sa kanya. "What happened?" "Silly. I should be the one who's asking you that question" natatawang saad kong mahinang ikinatawa nitong napangiwi na napahawak sa tagiliran kung saan ang tahi. "Uhmm...Damn those wītch!" anito na ikinakunot ng noo kong napatitig ditong napapailing at ngisi. "Who?" "I don't know them either buddy" "Huh?" naguguluhang tanong ko. Napahinga ito ng malalim na napapanguso. "Remember Cathy's group buddy?" napapilig ako ng ulo at napatango na maalala ang grupong minsan na naming ginulpi noon sa Siargao na naghahabol kay Dwayne nito. "Yeah. Why?" "I smells something fishy against that group" napatitig ako dito. "What do you mean?" napailing lang ito. "I was secretly following them last night" napahinga ito ng malalim. Matamang lang naman akong nakatutok dito. "And then, bigla na lang may humarang sa akin sa iskinitang pinasukan ng grupo niya. They're looks like a gang" "And then?" untag ko sa pagkakatulala nito na napapailing nakamata sa kisame. "Nakipag-one-on-one ako sa kanila" namilog ang mga mata ko dito. Napangisi lang naman itong nagawa pang kumindat. "Masyado silang marami. Pero masasabi kong nabali ko naman ang mga buto nila sa katawan. Tingin mo buddy, konektado din kaya sa mga mafia si Cathy?" Napaisip akong humalukipkip sa sinaad nito. Hindi naman na nakapagtataka kung miyembro nga sila Cathy ng mafia. Dahil kakilala at konektado din ito kay Dwayne na isang mafia bigboss. "Maybe" tumatango-tangong saad ko. "Yeah. I guess too buddy. I'm hungry. Can you feed me hmm?" paglalambing nitong napakurap-kurap pang ikinatawa at iling kong tumayong nagtungo ng kusina para ipaghain ito. Kita ko namang nanghihina pa siya at kaya ko namang asikasuhin ang kaibigan ko kahit may personal din akong iniinda. KINABUKASAN AY mas maayos na ang nararamdaman ko. Nakakalakad na rin ng maayos. Sinundo din naman ni Dwayne si Naeya sa unit ko nang makabawi-bawi na ito ng lakas at pinakiusapan akong ilihim namin ang nangyari dito. Nabanggit ko rin sa kanya ang namagitan sa amin ni Louis at kita ang simpatya at awa dito para sa akin. Si Naeya kasi ang pinakamalapit sa akin sa grupo namin. Hindi naman kasi siya ganon kapilya at alaskador. Kaya mas magkasundo kami kumpara sa apat na maloloko talaga lalo na si Irish at Liezel. Napangiti ako na makita si Louis na naglalakad papunta dito sa tambayan naming park sa likurang bahagi ng university. "Hi" "Hi" ganting bati ko na napabeso dito. Tagaktak pa siya ng pawis na halatang kagagaling lang ng ensayo nito sa basketball sa suot na jersey. Pilit akong ngimiti dito na pina-normal ang lahat. Bakas kasi sa mga mata nito ang pagtatanong at naiilang naman akong pag-usapan namin ang tungkol sa namagitan sa aming dalawa noong nakaraang gabi. "Ahem! How are you?" casual nitong tanong na napatitig sa aking ikinailang ko. Ibang-iba kasi ang ginagawad nitong pagtitig na tunatagos hanggang buto ko. "I-i'm good. How about you?" utal kong sagot na ikinatango nitong may munting ngiti sa labi. "I'm good" tipid nitong sagot. Kapwa na naman kami natahimik na nakamata sa field kung saan may mga naglalaro ng football na kapwa din namin estudyante dito sa Del Prado's University na pag-aari nila Liezel. "About last night" napalunok akong bumilis ang kabog ng dibdib sa pambabasag nito sa katahimikan namin. "I'm sorry. I was drunk and--" "It's okay" putol ko na ikinalingon nitong nagsalubong ang mga kilay. Ngumiti lang ako na napaiwas ng tingin ditong matiim pa ring nakatitig sa akin. "What do you mean it's okay?" "Wala 'yon. Alam ko namang lasing tayo pareho at hindi kontrolado ang sarili. Hwag mo ng intindihin 'yon Louis. Ayaw kong magkailangan tayo at masira ang magandang friendship natin" aniko na pilit pina-normal ang tono kahit tila may bato ng nakabara sa lalamunan ko. "So okay lang sayong may namagitan sa atin?" paninigurong tanong nitong ikinangiti at tango ko na sa mga naglalaro ng football nakamata. Kita ko naman sa gilid ng mga mata kong matiim pa rin itong nakatitig sa akin. "Yeah. Wala namang ibig sabihin 'yon eh" "Okay. You're right. That was just a plain sēx because we're both drunk. No meaning" mapait akong napangiti na nangilid ang luhang tumango-tango. "No meaning" ulit ko kasabay ng pagtulo ng akin mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD