Chapter 8 Break-up

1435 Words
Louis: NANININGKIT ANG MGA mata kong pupungas-pungas na napabangon sa tindi ng pagkirot ng ulo ko! "Urgghh!" napasabunot ako ng ulo sa lalong pagkirot nito sa pagbangon ko. Napalunok ako nang mapansing may katabi ako sa kama! Para akong binuhusan ng malamig na tubig na tuluyang ikinagising ng inaantok kong dugo at diwa! "Kristel" nakahinga ako ng maluwag na mabungarang si Kristel naman pala ang katabi ko at hindi kung sino lang! Napangiti akong dahan-dahang lumapit dito na nahihimbing pa rin. Napakaamo ng kanyang mukha na payapang natutulog. "Good morning my angel" bulong ko na wala sa sariling napahalik sa kanyang noo. Namilog ang mga mata ko ng ma-realize ang ginawa kong kaagad kong ikinabangon ng kama at pumasok ng banyo! Napapabuga ako ng hangin sa biglaang pagbilis ng t***k ng puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan! Napapailing akong isa-isang hinubad ang kasuotan at tumapat sa shower. Kailangan ko na ring puntahan si Liezel sa kanila. Ayokong lumipas pa ang isang araw na hindi pa kami nagkakaayod ng girlfriend ko. Alam ko namang sumusobra na ako minsan at nagiging possesive sa kanya, lalo na't sanay itong malaya at walang pumipigil sa mga gusto nitong gawin. Boyfriend niya pa lang ako kung tutuusin. Wala pang kasiguraduhan ang lagay ko sa puso niya. Bagay na ikinatatakot ko dahil hindi ko yata kakayanin....oras na maagaw siya sa akin ng iba. Matapos kong napalamig ang ulo kong naibsan na ang pangingirot ay muli kong isinuot ang gamit ko. Nandidito pa rin kasi kami sa vip room ng bar nila Liezel at wala akong dalang extrang damit. Natigilan akong napalingon kay Kristel na nahihimbing pa rin. Hindi ko naman siya pwedeng basta na lang iwanan dito. Napanguso akong dinampot ang cellphone nito sa bedside table at binuksan. Hindi ko alam pero tila may nag-uudyok sa aking pakialaman ang cellphone nito. Nanigas ko sa kinauupuan nang aksidenteng mahagip ng paningin ko ang gallery nito at nadako ang paningin sa isang video! Nangangatal ang kamay kong walang kakurap-kurap na ni-play ang video na lalo ko lang ikinanigas at durog sa napanood! Si Liezel, kitang masayang-masaya ito na nakikipagsayawan sa isang topless guy at kalauna'y siniil nito ng halik sa mga labi?!! Tumulo ang luha ko na nakamata lang sa video. Kitang-kita doon kung paano siya kagigil na inaangkin ang labi ng kahalikang hindi manlang makatugon sa pagka-wild nito! Para akong sinasaksak ng paulit-ulit lalo't kitang bagong kuha lang ang video na 'yon nitong weekend! Nasulyapan ko naman si Kristel na gumagalaw na kaya mabilis kong ibinalik ang cellphone nito sa mesa at bumalik ng couch na nagpahid ng luha. Para akong kinukurot sa puso sa kaisipang may ibang lalakeng kinahalikan ang girlfriend ko habang nagkakatampuhan kami. Alam ko namang playgirl si Liezel. Lahat naman silang anim na magkakibigan ay maloko talaga sila lalo na pagdating sa mga lalake. Pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan na nagawa niyang humalik sa iba. At sa labi pa. Samantalang ako na boyfriend niya ay hanggang s pisngi, noo at kamay ko lang siya nahahalikan. "Uhmm..." "Good morning!" masiglang bati ko ditong napapakusot ng mga matang tinatamad na bumangon ng kama. "L-Louis!?" mahina akong natawa n napatango dito ng malingunan ako dito sa couch at biglang napaayos ng upo at sarili. "Ahem! Good morning, bakit nandito ka pa?" "Hinihintay kang magising" pilit itong ngumiti na inayos ang nagusot na dress at buhok. Tumayo na rin akong nilapitan itong natigilang nakamata lang sa akin. "Ahm, maghihilamos lang ako" alanganing saad nitong ikinatango ko. ILANG SAGLIT LANG ay lumabas na rin ito ng banyo at magkasabay kaming lumabas ng bar. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa nakita kong video pero nag-aalangan ako lalo na't pinakialaman ko ang cellphone nito na wala siyang permission. Tahimik din ito na tila may malalim na iniisip. Pakiramdam ko nga nagiging selfish na ako sa friendship naming dalawa dahil lagi niya akong nasasamahan sa tuwing guguluhin ko siya, pero siya? Ni minsan hindi niya ako ginulo. "So pa'no? See you tomorrow?" nakangiting tanong nito pagkarating namin ng kanilang mansion. Pilit akong ngumiti na tumango. Bukas kasi ay balik eskwela na kami kaya kailangan ko ng maayos ang gusot namin ni Liezel. Mas marami na namang maghahabol sa kanya ngayon sa school kahit alam naman nilang may kasintahan na ito. "Yeah, see you tomorrow my angel. Salamat sa oras" napangiti itong marahang ginulo ako sa buhok. "Ikaw pa ba?" anito na ikinatango kong napahalik sa pisngi nitong natigilan at bahagyang pinamulaan. "Thank you ulit. Baba na my angel" napatango itong tulalang bumaba ng kotse. Mahina akong natawang napailing na para itong robot na naglakad papasok ng kanilang mansion. Napabuga ako ng hangin na napa-uturn na at tumuloy sa mansion nila Liezel. Kabado ako dahil baka hindi ako makapagtimpi at may masabi akong ilalala ng aming tampuhan. "Bahala na" napahinga ako ng malalim at kinalma ang puso kong sobrang bilis ng t***k. "Good afternoon Sir!" masiglang bati ng guard na mamukhaan ako at agad pinagbuksan ng gate. "Good afternoon" tango ko na nginitian ang mga ito. Napabuga ako ng hangin na nag-park sa garahe nila Liezel. Napangiti akong makitang nandidito ang white sportcar na laging gamit-gamit nila. Pagkababa ko ay saktong palabas si Liezel ng mansion na natigilang makita ako. Kahit nagtatampo ako dito ay mas nananaig pa rin naman ang kagustuhan kong magkaayos kami. "Hi babe, how are you?" nangunotnoo itong ikinapalis ng ngiti ko. Maging ang akmang paghalik ko sa pisngi nito ay napaiwas ito ng mukha. "What brings you here?" taaskilay nitong tanong. "Visiting my girl" paglalambing ko pero nanatiling nakabusangot ito na hindi manlang makitaan ng tuwa na ako na ang lumalapit sa pagkakatampuhan namin. "What do you want?" "Liezel please" "Louis I'm in hurry" iritadong saad nito na panay ang sulyap ng wristwatch. "Ano ba kasi 'yon?" Napalapat ako ng labing tumalikod dito at walang salitang bumalik ng kotse. Umaasang pipigilan niya ako pero nakasakay na ako at nakalabas ng gate nila ay nandoon pa rin siya, nakatayo at sunod lang ng tingin sa akin. Tumulo ang luha kong pinaharurot ang kotse ko palayo. LUMIPAS ANG mga araw na hindi pa rin kami nagkakaayos ni Liezel. Hindi naman kasi ito namamansin na tila balewala na ako sa kanya. Kaya naman si Kristel na lang lagi ang napaglalabasan ko ng sama ng loob. Mabuti na lang at hindi ito nagsasawa sa paulit-ulit kong pagda-drama dito sa mga nangyayari sa amin ni Liezel. "Let's talk" napalunok ako sa nabasang text message mula kay Liezel. Kabado akong sinagot ang tawag nito na makitang tumatawag na. "L-Liezel" nauutal kong bigkas sa pangalan nito. "Come out. Nandito ako sa tapat" anito na agad ibinaba ang cellphone. Napangiti akong mabilis bumaba ng mansion. Ilang linggo na rin na nagkakatampuhan kami at mis na mis ko na ito! Naabutan ko nga itong nakasandal sa kanyang kotse na nakahalukipkip. Lihim akong napangiti na agad lumapit dito. "Kumusta" kimi itong ngumiti na tumango lang. "Napadaan ka?" nilingon ako nito na pinakatitigan sa mga mata. "Mukhang maayos ka naman" napapilig ako ng ulo sa sinaad nito. "Damn that wītch" bulong nito na narinig ko pa rin naman. "Aalis ka na?" pigil ko nang akmang sasakay na ito ng kotse. "Obvious ba?" napalunok akong napatitig sa mga mata nitong walang kaemo-emosyon. "O-okay" tumatango-tangong saad ko na binitawan ang hawak kong braso nito. "Okay? Nagmamalaki ka na ba sa akin ngayon huh? Louis Montereal?" nagpantig ang panga ko sa sarkastikong tanong nito at napakuyom ng kamao. "Galit ka na niyan? Nagkalabuan lang tayo nagmamalaki ka na?" "Nagkalabuan?" ulit kong tanong na nagngingitngit ang mga ngipin. Matamang lang naman itong nakatitig sa mga mata ko. "You know what Liezel" napahinga ako ng malalim. "Nakakapagod na. Maghiwalay na kaya tayo. Hindi ko na kaya" natigilan ito sa sinaad kong hindi ko namalayang lumabas sa bibig ko. Huli na ng ma-realize ko ang naisatinig. "Are you kidding me? Maghihiwalay? Sigurado ka?" nang-uuyam nitong ulit na tanong na ikinangiti at tango ko. Pilit pina-normal at pinatatag ang itsura at boses kahit ang totoo'y gusto kong bawiin ang nasabi at humingi ng sorry dito. "Yeah, maghiwalay na tayo Liezel. Dahil....m-may iba na akong gusto" natahimik ito na napatitig lang sa akin. Hindi ko naman mabakasan ng anumang emosyon sa kanyang mga mata kaya wala akong ideya kung anong tumatakbo sa isipan nito. "Fine. You made the right decision Louis. Maganda ngang maghiwalay na tayo. Patapon na rin naman eh....ang relasyon na 'to" anito na pagak pang natawang napailing at sumakay na sa kotse. Natuod ako sa kinatatayuan at namalayan na lamang ang sariling nakalupasay sa kalsadang luhaan na nakamata sa kotse nitong papalayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD