Kristel:
LUMIPAS ANG ilang araw na napapansin kong hindi na nga nag-iimikan si Liezel at Louis. Kahit nga si Louis ay hindi na masyadong nagpaparamdam sa akin lalo na kung magkakasama-sama kaming anim. Pero si Liezel? Hayon at masaya namang parang nanggaling sa break-up dahil nakikipag-fling na siya sa hunky guy na nakilala namin sa Palawan noong nagbakasyon kami doon. Si Cedric Isidro na estudyante din pero sa katabing university ng Del Prado na pinapasukan namin. Kaya naman araw-araw na lang itong pinupuntahan at kinukulit ni Liezel.
"How are you?" nag-aalalang tanong ko nang masundan ko si Louis dito sa park ng school namin matapos ang laro nila sa basketball.
Nakahiga lang ito dito sa isang bench na nalililiman ng puno habang nakaunan sa kanyang bag at nakadantay ng braso sa noo.
"Broken" mahinang sambit nito. Naupo ako sa ulunan nitong kinuha ang bag at pinaunan sa lap ko. Hindi naman ito umangal at hinayaan lang ako. Napahaplos ako sa buhok nitong basang-basa pa ng pawis.
"You're not alone Louis" pilit itong ngumiti na hinawakan ang isang kamay kong dinala sa tapat ng pusong ikinalunok ko.
"I know. Cause I have an savior angel named Kristel" napangiti akong mahinang napisil ang ilong nitong ikinangiti n rin nito.
"Savior huh?"
"Ahuh" ngiting sang-ayon nito kahit nananatiling nakapikit. Napangiti akong marahang sinusuklay-suklay ng mga daliri ko ang buhok nitong basang-basa.
"Louis"
"Hmm?" inaantok nitong ungol.
"Be happy please" natigilan itong dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Ngumiti akong napahaplos sa kanyang pisngi. "I want you to be happy. Seeing you hurt? Hurts me too. But when you're happy? I'm happier Louis. Your happiness, is the most important thing to me. Cause that's what makes me happy"
Napalunok itong nangilid ang luhang inabot ang pisngi ko at marahang hinahaplos ng kanyang hinlalaki.
"How I wish she was you" tumulo ang luha naming matamang nakatitig sa isa't-isa na may mapait na ngiti sa labi.
"Move on. There's a lot of pretty girls out there willing to love you the way you deserve Louis. Maybe Liezel is not the right one for you. Common. Cheer up handsome, hmm?" ngiti kong pinisil ito sa baba. Mahina itong natawa na napabangon na rin at napahilamos ng palad sa mukha. Nagpahid ako ng luha na napapatikhim sa tila batong nakabukil sa lalamunan ko.
Napayuko itong nakahilamos ang dalawang palad sa mukha. Para akong pinipiga sa puso na tahimik siyang umiiyak at dama ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
"I can't let her go" basag ang boses nitong saad na ikinatulo ng luha ko. "I love Liezel that much Kristel" napipilan akong panay ang pahid ng luha.
Alam ko naman 'yon. Na mahal na mahal niya siya si Liezel. Nakakalungkot lang na hindi manlang masuklian ni Liezel ang ginagawad nitong pagmamahal sa kanya. At 'yon ang dumudurog sa puso ko, na hindi kayang mahalin ng babaeng mahal ng mahal ko. Ang bestfriend ko, ang bestfriend kong.....lihim kong minamahal.
"May bago na siya Kristel. At kitang-kita ko kung gaano siya kasaya sa bago niya" anito na nagpapahid ng luha. Namumula ang pisngi, ilong at mga mata dala ng pag-iyak nito. Malungkot ang mga matang napatitig sa aking pilit kong nginitian itong hinawakan sa kamay at marahang pinipisil-pisil iyon.
"Why not try to make her jealous Louis"
"How?"
"Be my boyfriend" natigilan itong napakunot ng noong tinitigan ako sa mga mata. "Let's just make her jealous and realized your worth"
Unti-unti itong napangiti na marahang tumango. Kita ang muling pagkabuhay ng malungkot niyang mga mata sa naging suggestion kong magpanggap kaming magkarelasyon para pagselosin si Liezel.
Kahit may kurot sa puso ko ay nangingibabaw ang tuwa sa aking dibdib na magiging boyfriend ko siya. Hindi man bilang totoong kasintahan ay sapat na sa kin 'yon. Sapat na para magkaroon ng susing papasok sa puso niya. At hinding-hindi ko na siya, pakakawalan pa.
SA MGA SUMUNOD na araw ay ini-anunsyo namin ni Louis in public na exclusively dating kaming dalawa. Palagi rin kaming lumalabas na pinapakita ang closeness naming dalawa. Pero mukhang balewala lang naman kay Liezel dahil mas naging magkalapit pa nga sila ni Cedric.
Napapailing na lamang ako na tama nga ang hinala ko dito dati pa. Hindi siya seryoso kay Louis. Nakakasama lang ng loob. Kung sana hindi siya nakipag-mabutihan kay Louis noon? Baka kami na ngayon. Hindi sana umasa si Louis at mas lumalim ang pagmamahal niya dito kung hindi nagpaligaw si Liezel na kalauna'y sinagot ito. Hindi sana komplikado ngayon ang mga bagay-bagay sa aming tatlo.
"So, what's your next plan buddy?" ani Naeya habang nandidito kami sa gym namin at nage-sparring.
"I don't know buddy. But for now? Enjoy-in ko na lang muna siguro ang mga sandaling natatawag ko siyang akin" nakangising kindat kong ikinahalakhak nito na napailing sa akin.
Nagkakatawanan kaming apat nang biglang sumulpot si Liezel at Diane na ikinatigil namin nila Lira, Naeya at Irish na napatitig sa dalawang bagong dating.
"You betrayed me you traitor!" nanggagalaiting bulyaw nito sabay duro sa akin sabay sugod ng mag-asawang sampal na ikinanigas ko sa lakas at bigat ng palad nitong sumampal!
Natuod ako at namalayan na lang ang sariling hawak ako ni Naeya at umaawat naman si Irish, Lira at Diane kay Liezel na parang bulkang nagbabadyang sumabog. Kakaiba ang galit sa kanyang mga matang matalim na nakatitig sa akin.
"Oh comm'on Liz, don't act like you're the victim here. Cause we all know, you're having an affair with that cheap macho dancer waiter" palabang pang-uuyam ko ditong lalong ikinaapoy ng galit sa kanyang mga mata at parang papel lang na inisang tabig ang mga nakahawak ditong mabilis akong sinugod muli.
Sa bilis niyang kumilos ay namalayan ko na lamang ang sariling nasa ilalim nitong tinatanggap bawat suntok nitong dumadapo sa mukha ko!
"Liezel! That's enough buddy!" tili ni Lira na pinagtulungan nila ni Diane at Irish na hinila si Liezel palayo sa aking hilong-hilo sa mga natamo dito. Kaagad naman akong dinaluhan ni Naeya na itinayo. Matapang kong sinalubong ang mga mata nitong puno pa rin ng galit na nakatitig sa akin.
"Don't you dare to insult my man!" bulyaw nitong dinuduro ako. "If you want Louis? Go ahead. I don't fūcking care! But never insult Cedric in front me fūck you!"
Pagak akong natawang napailing na pinahid ang umaagos na dugo sa pisngi kong nagmula sa kilay kong pinaputok nito.
"See? Louis deserve someone better so just accept it and move on" pang-uuyam kong ikinangisi nito ng nakakaloko.
"And you think you're better than I huh?" sarkastikong pang-uuyam din nito na nakangising aso. Aminado akong mas lamang si Liezel sa akin. At nasagi niya ang pride ko pero hindi ako nagpahalagang nasaktan akong marinig ang gantong salita mula sa kanya.
"Yeah" tumatango-tangong saad kong pinipigilan ang pangingilid ng luha. "Yes you're prettier than I. Smarter, wealthier but Louis deserve a decent and loyal girlfriend and definitely.... that's not you Del Prado" napahalakhak itong napailing. 'Yong uri ng tawa na hindi natutuwa kundi... nang-uuyam.
"Is that so?" tumatango-tangong saad nito. "Okay. He's all yours from head to toe. I wish he'll love you too the way you love him as well. Kaya ko namang magpaubaya kung nagsabi ka lang. But you choose to betrayed me" napipilan kaming lahat na matamang lang na nakatitig ditong kitang bumaba na ang temper at mas naging kalmado.
"Keep this on your mind Villaflor" napatitig ako sa mga mata nitong matiim na nakatutok sa akin. "From now on, I won't consider you... as one of my bestfriends anymore" madiing saad nitong nginisian akong ginawaran ng nang-iinsultong tingin at diretsong lumabas ng gym.
Nanghihina akong napasalampak ng sahig nang magsisunod ang apat dito para kausapin sa sinaad nito. Mapait akong napangiti na napayukong hinayaang tumulo ang luha. Dumating na nga ang araw na kinakatakutan ko. Ang magkasira kami ni Liezel, at ang masama ay rebound lang ako ni Louis. Walang kasiguraduhang....mamahalin din niya ako pabalik.