bc

Twilight of the Gods

book_age16+
132
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
powerful
drama
bxg
mage
magical world
betrayal
secrets
superpower
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

Nagsimula sa buhay na simple at payapa, ang mundo ng isang ordinaryong tao ay mapupuno ng mga katanungan at mahika.

Mula sa pamumuno ng mga diyos at diyosa, ano kaya ang mangyayari kung ang isang propisiyang ibinaon na sa limot ay muling lilitaw?

Paano kung nang dahil sa isang pangitain ay magbabago ang lahat?

Paano mo ipagpapatuloy ang daloy ng simpleng buhay na iyong nakasanayan kung ang buhay na nararapat sa‘yo ay puno ng kapangyarihan at karangyaan?

Ang dating matatayog na namumuno ay sasadlak sa lupa, at ang mga nararapat ay muling babangon kasabay ng muling paglitaw ng takipsilim

chap-preview
Free preview
Prologo
Isang propesiya. Isang propesiya ang makapagpapabagsak sa lahat nang naririto. Isang propesiya na tila ba hindi inaasahan ng kung sinuman, ngunit ang mga pangyayari ngayon ay tila ba nagpapatunay na ito ay kailangang mangyari kahit na ano pa man ang aming madaratnan sa hinaharap. Isang propesiya na tila ba ipinapakita ang huling takipsilim ng mga Diyos at Diyosa. Naririto ako ngayon sa balkonahe ng aming palasyo at tinatanaw ang lupain na tila ba ay walang hangganan. Ako ay tila ba nag-iisa lamang sa mundong ito, dahil sa katahimikan na bumabalot sa buong kapaligiran na para bang ang iba pang mga Diyos at Diyosa ay wala rito at walang sinuman ang makapagsasabi kung nasaan sila ngayon. Ngunit gayon pa man, hindi ko na inabala pa ang aking sarili na hanapin kung nasasaan man sila ngayon sapagkat ang langit na palagi ay napakaliwag ngunit ngayon ay tila ba nagbabadyang bumagsak ang mga ulan. Isa lamang ang ibig sabihin nito. Isa lamang ang pinupunto ng maitim na ulap na bigla na lamang bumalot sa buong lugar. Isa lamang ang nais iparating ng hangin na tila ba galit na galit na umiikot sa buong kaharian. Ito ay tila ba bumubulong sa akin, nagpapahatid ng isang mensaheng kahit sinuman ay hindi gugustuhin ang nais ipahatid nito; na kahit sinuman ay hindi inaasahang ito ay mangyayari; maliban na lamang sa mga umaasam na ito ay talagang mangyari sa aming mundo, sa isang taong kahit kailan ay hindi ko inaasahang kamumuhian nila. Ang maitim na kalangitan, ang tila ba galit na hangin, isa lamang ang ibig sabihin nito. May isang masamang pangitain ang mangyayari sa loob ng aming kaharian. May isang pangyayari na walang sinuman ang mag-aakalang darating sa aming mundo, ngunit tila ba ito ay matagal nang pina-plano sapagkat ang kalangitan at hangin ay hindi tumitigil sa pagbibigay sa akin ng mensahe. Ito ay hindi tumitigil sa pagbibigay sa akin ng babala na tila ba ako ang magiging biktima ng pangitain na nais ipahiwatig ng mga ito. Kahit na ganoon pa man ang nangyayari, mas pinili ko na lamang ang hindi ito pansinin at maging bingi sa mga sinasabi ng mga ito. Mas pinili ko na lamang itong talikuran upang ako ay makapasok na sa aking silid. Mas pinili ko na lamang ang maglakad papalayo kaysa titigan pang muli ang kalangitan na ngayon ay tila ba mas dumilim pa kaysa kanina, noong naroroon pa ako sa balkonahe. Ikinukumpas ko ang aking kamay sa mga nadaraanan kong pasilyo upang gumawa ng liwanag na maaari naming magamit maya-maya lamang. Hindi ko na lamang pinansin ang mga bintanang aking nadaraanan sapagkat alam ko na parehas lamang ang aking makikita kung gagawin ko iyon. Tumigil lamang ako sa aking paglalakad nang maramdaman ko na tila ba may sumusunod sa bawat hakbang na aking ginagawa. Tila ba may isang tao ang nais makalapit sa akin nang wala man lang sinasabing kahit anong salita, ngunit mukhang siya ay bigo sa kaniyang pina-plano sapagkat malakas ang aking pakiramdam na mayroon talagang sumusunod sa bawat lakad na aking ginagawa. Ang presensiya ng taong ito ay napaka lakas. Ni hindi man lamang nito naisipang ikubli ang kaniyang presensiya, ang kaniyang plano. Mukhang gusto niya talagang malaman ko na siya ay naririto. Gusto niyang malaman ko na siya ay isa sa pitong taga-pangalaga ng mundong ito. Gusto niyang malaman ko na siya ay naririto, at nagtatangkang gumawa sa akin ng isang bagay na kahit ako ay hindi mawari kung ano iyon. “Ano ang iyong kailangan?” tanong ko sa kaniya matapos kong marinig ang yabag ng kaniyang mga paa. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng panahon na lumingon sa kaniyang kinaroroonan sapagkat ayoko na lamang makita ang posibleng ekspresiyon ng kaniyang mukha. Pinanatili ko na lamang ang tingin ko sa napaka habang pasilyo na nasa aking harapan na tila ba wala talaga akong balak na harapin siya. “Ikaw. Ikaw ang aking kailangan,” sagot niya sa akin nang may diin sa kaniyang boses. Tila ba siya ay galit na galit sa akin, ngunit kahit na ako ay hindi ko mawari kung bakit ganoon ang tono ng kaniyang boses. “Alam ko na alam mo na kung bakit ako naririto.” “Hindi.” Umiling-iling ako sa kaniya, habang itinutuon ko ang aking pansin sa pasilyong nasa harapan ko na para bang siya ay naroroon. Ang aking boses ay nagpapahayag ng pagkalito sapagkat kahit kailan ay hindi ko malalaman kung bakit kailangan niyang gawin ang bagay na ito. “Kahit kailan ay hindi ko mawawari kung bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat.” “Dahil ikaw ang magiging dahilan ng pagbagsak nating lahat! Dahil ikaw ang magiging dahilan ng pagkakagulo sa mundong ito!” Narinig ko ang malakas niyang pagsigaw na tila ba ang kaniyang balak gawin ay kailanma’y hindi magiging isang sikreto - na tila ba ang iba pang mga naninirahan sa mundong ito ay alam ang kaniyang mga plano. “Ikaw ang magiging puno at dulo ng lahat ng ito.” Mahina akong natawa nang marinig ko iyon. Hindi ko napigilan ang aking sarili sapagkat mukhang alam ko na kung bakit siya nagkakaganito. Alam ko na kung bakit ang nasa isip niya ay kailangan niyang gawin ang planong ito. Nang dahil sa propesiyang iyon. Nang dahil sa pangitain na akala ko ay ako lamang ang nakaaalam sa mga oras na ito, ngunit tila ba ako ay nagkamali, sapagkat mukhang alam na ng iba pang naninirahan sa mundong ito ang tunay at nais na ipahiwatig ng propesiyang iyon. “Ngunit alam ko rin na alam mong kahit kailan ay wala tayong magagawa sa mga pangitain na ibinibigay sa atin, hindi ba?” Doon ko lamang siya hinarap sapagkat nararamdaman ko na kailanagan ko nang gawin iyon; na para bang may nagsasabi sa akin na maaari ko pa itong solusyonan, na maaari ko pang baguhin ang kaniyang isip, ngunit tila ba ako ay nagkamali sa ginawa kong iyon. Nakita ko ang galit sa kaniyang mukha. Nakita ko ang pagbugso ng kaniyang damdamin na tila ba sinasabi niyang kahit kailan ay hindi magbabago ang kaniyang desisyon at kahit kailan ay hinding-hindi niya pagsisihan na humantong sa ganito ang lahat. Ngunit hindi ako nagpatalo. Hindi ako nagpadala sa takot na biglaan ko na lamang naramdaman, hindi para sa akin kung hindi para rin sa kanila. Sa mga taong nagplano ng bagay na ito. Sa mga taong sangkot sa pangyayaring ito. “Mayroon,” bigla na lamang niyang sinabi sa akin nang puno ng determinasyon na para bang siguradong-sigurado siya na sa pagkakataong ito, magagawa nilang pigilan ang propesiyang kahit kailan ay hindi namin nagawang wakasan kahit na kailan. “Mayroon kaming magagawa, kung ang taong tinutukoy sa propesiyang iyon ay magagawa naming puksain.” Tumalim ang aking mga tingin nang marinig ko iyon sa kaniyang mismong mga labi. “Ganito na ba talaga kayo kagahaman sa inyong mga kapangyarihan?” hindi ko makapaniwalang tanong, sapagkat kahit kailan ay hindi ko naisip na hahantong sa ganito ang lahat. Pinatutunayan lamang niya na dapat talaga ay mangyari ang nakasulat sa propesiyang iyon. Pinatutunayan lamang niya na kailangan talaga iyong mangyari sapagkat ang bawat isa sa kanila ay ginagawa ang bagay na ito dahil sa takot na mawala sa kanila ang lahat, dahil sa takot na baka ito na ang kanilang magiging katapusan. “Ginagawa namin ito para iligtas ang mundo,” sabi niya sa akin, ngunit nakikita ko sa kaniyang mga mata na iyon din ay isa lamang kasinungalingan. Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang inaasam na kapangyarihan, ang inaasam niyang trono na maaaring maging sa kaniya sa bandang huli. Nakikita ko na gagawin niya ito, hindi para sa buong mundo ngunit para sa kaniyang sariling kagalakan. Bago pa man ako makapagsalitang muli, nakita ko na kinuha niya ang kaniyang espada na mukhang kanina pa niya pinakatatago sa akin. Nanatili akong kalmado at hindi nagpapakita ng kahit na anumang emosyon sa aking mukha, sapagkat nakikita ko nang hindi ko na siya mapipigilan pa. “Hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat.” Ang akala ko ay may magagawa pa ako para sa kanilang lahat, ngunit tila ba sila ay mga bingi at bulag sa katotohanan. Tila ba kahit na ano pa mang salita ang aking bibitiwan, hinding-hindi sila makikinig sapagkat ito lamang ang naiisip nilang tanging paraan upang ang propesiyang iyon ay hindi na mangyayari pa. Hindi pa rin siya nagpatinag nang marinig niya iyon mula sa akin. Siya ay ngumiti pa nang napaka lapad na para bang makakamit na niya ang bagay na kaniyang matagal na niyang inaasam. Siya ay tila ba nagagalak na magagawa niya ang bagay na ito sa akin. “Ang isang bagay ay kailangang mangyari upang mapigilan pa ang isa,” sabi niya sa akin, bago niya ako bigla na lamang inatake. Hindi na ako nagkaroon pa ng oras upang umiwas sa talim ng kaniyang sandata dahil sa bilis ng mga pangyayari. Naramdaman ko na lamang ang pagtarak nito sa aking mismong dibdib. Naramdaman ko na lamang ang sakit na dulot ng lalim ng sugat na aking tinamo. Ngunit gayon pa man, sinubukan ko pa ring titigan siya sa aking mga mata bago pa man iyon manlabo dahil sa panghihina na aking nararamdaman. Tinitigan ko siya nang maigi, kahit na nararamdaman ko na bumabagsak na ang talukap ng aking mga mata. “Balang araw...” Nanginginig ang aking boses nang banggitin ko ang dalawang salitang iyon, ngunit sinubukan ko pa rin iyong sabihin sa kaniya. “Balang araw ay makikita n’yo rin ang takipsilim ng mundong ito.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
44.4K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook