AMILYN Hawak niyang muli ang palad ko at hila-hila na naman niya akong pumasok sa loob ng Royalty Empire Building. Malalaki ang mga hakbang niya, tapos medyo mabilis pa. Hindi man lang niya naisip na isang hakbang niya e, dalawa or tatlong hakbang ko na ang katumbas. Lihim akong napapairap sa likod niya habang nagpapatianod na lang sa bawat hatak niya sa akin. Muntik pa akong matisod. s**t. Nakaramdam ako ng p*******t ng paa. Dahil sa bilis niya, ang labas e, parang lakad, takbo akong napapasunod sa kaniya. “Mag dahan dahan ka nga, ikaw na nagsasabi noon pa na walang dalawang dangkal ang haba ng binti ko tapos hindi mo man lang maisip na nahihirapan ako ngayon sa kakahabol saiyo?” nakabusangot ko nang reklamo. Ang bilis niya, hila pa siya nang hila, mataas ang suot kong heel