AMILYN Ayaw ko sanang lumabas pa at balak ko sanang magpa-deliver na lang ng lunch inside the office. Pero nang yayain ako ni Odezza at Anjie, hindi na ako tumanggi. Baka kasi ipulutan ako ng dalawang ito sa ibang office mates namin at mali mali pa ang kumalat na impormasyon about sa nangyari sa amin kanina ni Tikbalang. Kita ko pa naman at basang basa sa personalidad ng dalawang ‘to na madaldal talaga. Yung tipong sila yung nangungunang marites ng kompanya. So, sumabay na ako sa kanilang mag lunch para rin malinaw ko at maipaliwanag ng mabuti kay Odezza ang nadatnan niyang eksena kanina. Malisyoso kasi ang mga ngiti niya at tingin sa amin ni Tikbalang. Bumaba rin kanina si Tikbalang at pupunta daw sa clinic. Hindi na siya nagpa-deliver at kakain na lang daw siya sa labas. So, ma