AMILYN Mabilis lang akong naligo. Hindi talaga ako komportable ng walang suot na pangloob. Problemado akong napaupo sa gilid ng kama, nakabalot pa ng tuwalya ang basa kong buhok. Nilabhan ko ang panty ko kanina sa shower. Kaya lang ang problema, paano matutuyo agad? Nahihiya akong puntahan si Klient sa silid niya at tanungin kung may dryer ba siya dito. Meron naman siguro no? Imposibleng wala e, may mga damit siya dito. Though, hindi naman mukhang gamit na gamit talaga ang unit na ito. Mahahalata sa kabuan at mga kagamitan na parang hindi nga ito gaanong ginagamit. Pero the fact na napunta siya dito at ginagamit pa rin naman kahit paano ay siguradong kompleto rin ito ng mga gamit. Malalim na ang gabi, gising pa kaya siya? Baka tulog na. Kita ko sa mga mata niya kanina na pag