Napasinghap ako sa sinabi ni Sage dahilan para humalakhak siya ng tawa. “Pinagtitripan mo ako eh!” Nakasimangot kong sabi. “Hindi ah, you don’t believe me?” Nakataas kilay niyang tanong. Umiling ako, “hindi”. Napailing naman siya while smiling. “Then don’t.” Saad niya at nag focus na sa pagmamaneho. Nang makarating kami sa baba ng building namin ay pumarada muna ng maayos si Sage dahil tinulungan niya akong iakyat ang mga pinamili namin for sampyupsal. “Magandang gabi ho.” Bati ni Sage kay nanang at ate Brenda na naka-upo sa living room. Binati rin naman siya pabalik ni nanang at ate Brenda. “Ako na ang bahala mag-ayos niyan, hijo.” “Tulungan ko na po kayo, medyo madami ito. Sabihin niyo nalang po sa akin kung saan ko ilalagay.” Mapilit si Sage kaya hinayaan nalang ni nanang. “Gw