“Argh, this is frustrating.” I uttered as I was trying to make my code run. Kanina pa kasi ako nag-dedebug but I couldn’t make it. Naiirita na ako. Napabuntong hininga nalang ako. Titigan ko nalang kaya ‘to baka sakaling gumana? “Huy, Cali. Ayos ka lang?” Chas asked, katabi ko siya ngayon dito sa IT Lab. I just shook my head. “Titigan ko nalang ‘tong gawa ko baka sakaling gumana.” Nawawalan na ako ng pag-asa. “Bakit?” “May error e. Hindi pa tama ‘yong output.” I sadly said. “Pindutin mo nga ‘yong debug?” Chas instructed, ginawa ko naman. Tiningnan naman niya ang gawa ko. She tried to find kung saan banda ang error but she failed. “Oh, ‘di ba. Nakakinis.” Wala pa naman si sir. Hindi ako maka hingi ng tulong sa kanya. “What’s wrong?” napatingin naman ako sa likod ko. Si Sage pala.