Kristine's point of view
Nagising ako na wala akong katabi. Bumangon nalang ako at nagsipilyo. Pagkatapos ay tinignan ko ang aking telepono. May mensahe si Daddy.
Daddy: Tine, I will be there at 8 sigurado na bumama na ang tubig.
Me: Sige po Daddy. I love you po.
Sagot ko at pinalian ko ang aking damit. Alas sais palang naman ng umaga.
Iniwan ko ang aking bra dahil medyo basa pa ang manipis nitong foam. Mabuti at printed na itim ang t-shirt na ibinigay sa akin ni Li. Hindi halata na wala akong bra.
Nagsuklay na ako at naglagay ng konting cream sa aking mukha. Kinagat ko lang ang aking labi at namula na. Lumabas na ako sa kwarto at dinig ko na nagkakatuwaan sila.
Napangiti akong yumakap kina Tito at Tita. Binati ko din si Li ng yakap pagkatapos ay pinaupo na ako para kumain. Masarap ang sinangag kaya naparami ako ng kanin.
Pagkatapos naming kumain ay sumama akong magbigay ng mga lutong pagkain. Pero pinagpalit na muna ako ng aking maiksing palda.
Umalis na kami ni Li at kahit may bitbit siya ay pinakapit niya ako sa kanyang braso. Itinago ko ang aking ngiti dahil kinikilig ako. Unang pinuntahan namin ang kanilang mga kapitbahay. Bawat pinupuntahan namin ay tinatanong kung sino ako. Hinayaan ko siya na siya ang magpakilala sa akin.
"Tine, pwedeng sabihin na girlfriend kita para walang poporma mambastos saiyo?" Tanong niya sa akin ng papunta na kami sa basketball court.
"Oo, kahit sabihin mo na asawa mo ako, okay na okay sa akin." Masayang sabi ko at namula na naman ang kanyang mukha.
Kumapit ulit ako sa kanyang braso at lumakad na kami, malapit lang pala ito dahil ilang minuto lang ay kita na agad ang basketball court. Parang walang nangyaring malakas na ulan kagabi. Marami ngang naglalaro na ng basketball at halos lahat ay kaedaran namin. Napatigil sila ng nakita nila kaming papalapit, lahat sila ay nakatingin sa akin kaya humigpit ang pagka-yakap ko kay Li.
"Mababait sila, ngayon lang sila makakita ng maganda kaya ganyan sila makatitig saiyo." bulong niya sa akin.
"May handa ako kagabi, hindi ko na naibigay dahil ang lakas ng ulan. Gusto ba ninyo?" Tanong niya sa mga ito at nagsilapitan sila. Sana nga ay magkasya ang dala namin.
"Ang ganda ng kasama mo Liam, pinsan mo?" Tanong ng isa na sobrang nakatitig sa aking mukha.
"Girlfriend ko." Sagot niya at humigpit ang yakap ko lalo sa kanya.
"Girlfriend mo? kailan ka pa natutong manligaw?" Tanong ng isa na naka-hawak ng bola at nagtawanan sila.
Napailing na lang siya at binigay ang mga dala namin, minsan lang ako sumabat na gwapo ang boyfriend ko at nagtawanan sila nang may mag claimed na siya ang boyfriend ko. Napangiti ako dahil ang sarap sa pandinig ang tawa ni Liam na namumula ang tenga.
Umalis na kami dahil tampulan na kami ng tukso. Gusto ko sanang mag stay pa dahil ang sasarap nilang kausap. Habag si Li ay pangiti-ngiti lang.
Malayo palang kami ay kita ko na agad ang sasakyan ni Daddy. Napatingin ako sa aking relo mag alas otso na pala. Sinabi ko kay Liam na sasakyan ni Daddy ang nasa harapan ng kanilang bahay.
Nahalata ko ang kanyang pamumutla. Hinawakan ko ang kanyang palad at tama ang aking hinala. Kinakabahan siya dahil ang lamig ng kanyang palad.
"Relax." Mahinang sabi ko at pumasok na kami sa loob mg kanilang bahay.
Niyakap ko agad si Daddy at kumalas din agad para kunin ko ang aking bag sa kwarto ni Li.
Bago ako umalis ay kinuhanan ko ng larawan ng kwarto niya dahil ito ang unang beses akong nakitulog sa ibang bahay at unang beses din na naki-tabi ako sa isang lalaki.
Lumabas na ako sa kwarto at nagpa-alam kina Tito at Tita. Nagpasalamat ako sa mainit nilang pagtanggap sa akin. Niyakap ko ng mahigpit si Li napangiti ako dahil dinig ko ang lakas ng pagtibok ng kanyang puso.
Tumikhim sa na si Daddy, kaya humiwalay na ako sa pagkayakap ko kay Li. Tuluyan na kaming lumabas sa bahay at inakbayan ako ni Daddy.
Pinagbukas pa niya ako ng pintuan at napangiti ako. Hindi siya galit na kay Mommy lang akong nagpa-alam.
"Fasten your seat belt Tine." Utos ni Daddy. Ginawa ko naman ito agad at umupo na rin siya sa drivers seat.
Tahimik lang si Daddy na nagmamaneho habang ako ay nakatingin sa labas. Mabuti pala at medyo mataas ang kinalalagyan ng bahay nina Li dahil sa baba nila ay hanggang baywang ang tubig.
Kaya pala ang malaking car ni Daddy ang kanyang dinala. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay. Nagtataka ako dahil sumama si Daddy sa loob.
"Daddy akala ko ma late kana?" Tanong ko pagdating namin sa sala.
"Give me your phone." Seryosong sabi niya at nagulat ako.
"Why Dad?" Nagtatakang tanong ko.
Inilabas ko ang aking phone at ibinigay sa kanya.
"Your 1 month grounded. You can't go out without me or your Mom and you are not allowed to use our home phone." Sabi niya na ikinalaki ng aking mga mata.
"Dad, Why?" Tanong ko na naiiyak.
"Dahil hindi ka nagpa-alam sa akin. You just don't know how worried I am nang wala ka sa hapunan natin. Pinaghintay mo ako ng isang oras bago ka sumagot. That is so irresponsible of you Tine." Seryosong sabi ni Daddy.
"Daddy nagpa-alam ako kay Mommy." Sabi ko na naiiyak.
"Sinabi mo lang sa Mommy mo na pupunta ka sa kaibigan mo. You can't say a person a friend na ilang minuto mo lang nakilala."
"Pero Dad, you meet them. They are good people." Pagpapaliwanag ko.
"Paano kung masama sila? You can't just go and visit a person you don't know."
"But Dad!" Anas ko na napatingin sa mga galunggong kong mga kapatid na nakikinig pala.
"No more buts Tine. You know the rules, do not argue with me." Sabi ni Daddy at umalis na.
Pinahid ko ang aking konting luha na ang hirap lumabas para maawa lang si Daddy pero walang silbi. Naglakad Ko na umupo sa sofa at yumakap sa braso ni Thunder.
"Hands off Ate, baka mahawa ako sa pagka grounded mo!" Sambit niya na parang nandidiring inalis ang kamay ko na pumulupot sa kanyang braso.
"Che! nakakahawa ba ang pagka grounded ko! baka ang pagka-maitim ninyo ang mas nakakahawa!" Bwesit na sigaw ko at pinagtawanan lang ako ng apat.
"Si Mommy?" Tanong ko at parang walang narinig ang apat. Inalis ko ang aking sapatos at inihampas ko kay Dark na pinakaiinisan ko sa lahat.
"What the heck Ate anong kasalan ko?" Tanong niya na napahawak sa kanyang buhok.
Parang may nakapa siya at inamoy ito. Ang kanyang mga mata ay parang pumuti lahat at nasusuka.
"F*ck." sambit niya mabilis tumakbo papuntang elevator.
Napaamoy ako sa aking sapatos at napangiwi ako dahil ang baho. Parang nakatapak ako ng Tae ng hindi ko alam.
Ihahampas ko sana kay Thunder pero nagsitakbuhan na sila. Nandiri akong itinapon ang aking sapatos sa labas.
"Yaya, may natapakan ako na mabaho please clean the floor!" Sigaw ko dahil si Mira ay mahilig mag-paa sa bahay.
Baka kaninang pumunta kami sa Plaza ay may natapakan ako na hindi ko alam.
Malungkot akong umakyat sa aking kwarto. Hinubad ko ang aking damit at mabilis na pumunta sa aking banyo. Pinuno ko ang tub at nagbabad ako ng isang oras. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng pambahay.
Hinanap ko si Mommy at nasa kusina na naghahanda ng aming pananghalian.Yumakap ako sa kanya at pinilit ko na palabasin ang aking luha.
"Mommy, kinuha ni Daddy ang phone ko at grounded daw ako ng isang buwan." Pagsusumbong ko na may paghikbi.
Humarap sa akin si Mommy at pinunasan ang aking luha.
"Tine, sinabi mo sa akin na matagal mo nang kilala si Liam. You know your Dad, malalaman niya ang totoo in just a minutes. You lied to me anak, ngayon pang 18 kana tsaka ka pa nagsinumgaling." Sabi niya na nakonsensiya tuloy ako.
"I am sorry Mom, na love at first sight lang ako kasi kay Liam." Sambit ko na yumakap sa kanya ng mas mahigpit.
"Nagdadalaga na pala ang madaldal kong anak. Ano naman ang nagustuhan mo kay Liam?" Tanong niya na inakay ako para umupo kaming dalawa. Ang isang taga luto muna ang nagtuloy sa kanyang niluluto.
"When I first saw him na kutan na ako agad Mommy and I like his braveness na magpa-alam kay Daddy na aakyat siya ng ligaw kay Autumn. Alam pa ninyo Mommy ang bait niyang anak at ang sipag niya sa kanilang bahay. Most of all is napaka gentleman niya." Masayang sambit ko at naalala kung paano siya naging gentleman sa akin. Baka kung ibang lalaki na yun ay ginahasa na ako. Hindi naman masabi na wala akong appeal sa kanya dahil tinigasan siya at nag masturbate pa siya sa banyo.
"Paano yan anak si Autumn ang gusto?" Tanong ni Mommy na ikinalungkot ko.
"I will do everything, Mom para magustuhan niya ako. Pero kung nagkamabutihan na sila ni Autumn then I will let them happy." Sagot ko na medyo may kirot sa aking puso.
"Okay, Tine but remember huwag mong pababain ang sarili mo. You are beautiful and lovable anak." Sabi ni Mommy at niyakap niya ako.
"Thank you Mom. Can I borrow your phone?" Nag aalangan na tanong ko.
"Pati ako isasali mo na ma grounded din sa Daddy mo." Sagot na tumayo at ipinagpatuloy ang kanyang pagluluto.
Napasimangot tuloy ako.
"Very good baby." Boses ni Daddy na nakikinig pala sa amin sa CCTV.
"I love you, honey." Malanding sagot ng aking Ina.
"Daddy!" Malakas na sigaw ko.
Nakasimangot akong pumunta sa sala at nanunod habang nagluluto sina Mommy. Wala akong alam sa kitchen at ayaw kong matutunan. Siguro sa lahat kaming magkakapatid ay ako ang pinakatamad.
Ang mga kambal ko ay wala sa bahay. Si Sander ay nasa bahay nina Lola. Si Nat ay nakitira na kina Melissa at si Autumn ay kasama ni Ninong Ryan sa Bali.
Ang sasaya nila habang ako ay grounded sa bahay. Ilang saglit ay nag ring na ang alarm sa bahay ibig sabihin ay handa na ang pananghalian.
Pumunta na ako sa hapag kainan, sumunod na nagsidatingan ang aking mga kapatid.
Habang kumakain kami ay napag-usapan ng apat na bugok na aalis sila mamaya at isama ang tatlo naming bunsong kapatid. Maiwan si Adam dahil mas gusto niyang magkulong kanyang kwarto.
"Sama ako." Sabi ko at nagkatinginan ang apat.
"Hindi ba grounded ka Ate?" Nakangising pang-asar ni Dark.
"Kayo naman ang kasama ko." Inis na sagot ko.
"Pero ang sabi ni Daddy ay siya o si Mommy lang ang dapat mong kasama kung gusto mong lumabas." Pang-aasar pa ni Dark.
"So, nag plano kayo na lumabas para inggitin ako?" Inis na sabi ko.
Humagikgik ang apat na nanadya talaga. Sa inis ko ay tumayo ako at sinabunutan ko si Dark pero masaya lang silang nagtawan habang papalayo ako.
"Ate hindi pa kami tapos kumain, your not allowed na umalis sa umupuan mo!" Sigaw si Dark.
"Natatae ako!" Inis na sagot ko at mas lalong lumakas ang kanilang tawa.
Sa sobrang inis ko ay pumunta nalang ako sa aking kwarto at nagkulong.
Lumipas ang mga araw, linggo at buwan ay sobrang boring ang buhay ko. Lalo na at puro Pambubully ang natatanggap ko sa mga apat kong kapatid. Syempre hindi ako magpapatalo sa mga apat na iyon.Ngayon ay makukuha ko na ang aking telepono kay Daddy kaya maaga palang ay mabilis akong pumunta sa kwarto nila.
Sound proof ang kwarto nina Mommy kaya pinindot ko ang kanilang doorbell. Ilang saglit ay nagbukas ito at ulo lang ni Daddy ang nakalabas na pawisan.
"Here." Sabi niya at inaabot ang aking telepono sabay sarado ng pinto.
"What!" Bulaslas ko dahil low batt ang aking phone.
Patakbo akong bumalik sa aking kwarto at inilagay ko ito sa aking charger. I have to wait a minute para bumukas ito.
Umupo ako sa carpet at hinintay ang pagbukas ng aking phone.
Nagliwanag ang aking mukha ng nagbukas na ito at may isang message lang ang na received ko. Well ano pa nga ba ang aasahan ko. Wala akong kaibigan at ka text man lang. Kaya binuksan ko ang isang text na natanggap ko at galing kay Liam.
Best friend: Tine
Sabi lang niya na wala man lang pangungumusta. Nanlumo ako at binitawan ang aking telepono.
Tumayo ako at pumunt sa aking higaan sabay ibinagsak ko ang aking katawan sa kama. Napapikit ako at nag-isip.
"Anong gagawin ko para ma in love ka sa akin Liam." Mahinang sambit ko at malungkot na isinubsob ko ang aking mukha sa unan.