Minamasahe ni Aira ang balikat habang nag lalakad sa madilim na iskinita pauwi sa apartement na tinutuluyan n'ya. Hindi s'ya natatakot dahil kilala na n'ya ang mga tao sa pookan na iyon. Mas marami pa naman ang mababait kesa sa mga pasway, noong unang mga linggo n'ya nakakaranas pa s'ya ng pang babastos sa mga lasing. May pag kakataon pa na ginugulo s'ya sa apartment n'ya pero ng may mag tangkang pasukin s'ya doon na n'ya pinakita ang pangil na meron s'ya. Kinabukasan nakita ang mga nagtangkang pasukin s'ya na nakabitin ng patiwarik sa bubong ng bahay n'ya. Mula nun wala ng nang gulo sa kanya naging tropa n'ya ang mga tumador at basag ulong mga tambay.
Mukha lang s'yang nene at mahina pero batak na batak na sa hirap ang katawan n'ya sa pinag daanan n'ya sa kamay ng Lolo n'ya sa training na ipinaranas nito sa kanya. At sa parusang binibigay nito sa tuwing nag kakamali s'ya, akala nga n'ya mamatay na s'ya ng unang beses n'yang nag kamali na ikinagalit ng husto ng lolo n'ya. Iyon ay ng iligtas n'ya si Dennis sa kamay ni Eden aka Jayzel noon. Oo galit s'ya kay Dennis pero hindi mababago ng galit n'ya ang katotohanan na ito pa rin ang ama ng anak n'ya at minahal din n'ya ito ng sobra. Hindi n'ya ito gustong mamatay lalo na't ang dahilan ay ang lolo n'ya, Hindi sapat ang kasalanan ni Dennis sa kanya para patayin ito ng lolo n'ya dahil para sa kanya. Choice n'ya na sumama kay Dennis noon dahil sinunod n'ya ang t***k ng puso n'ya. Hindi mali na minahal n'ya ito ang mali hinayaan n'ya ang sarili na mabaliw sa pag mamahal rito at mawalan na s'ya sa tamang dereksyon.
Hinayaan n'yang kay Dennis umikot ang mundo n'ya. Kaya naman nahirapan s'yang maka recover kaya kahit sariling anak n'ya tinitikis n'ya na wag makasama o makita man lang dahil ang gusto n'ya bago s'ya mag pakananay sa anak n'ya mabuo n'yang muli ang pagkato n'ya. Alam n'yang walang makakaintindi ng saloobin n'ya kundi s'ya lang, ayaw n'ya na titingnan n'ya ang anak nila ni Dennis na may nararamdaman na pag sisi na bakit si Dennis ang minahal n'ya. Na bakit hinayaan n'yang mabuntis s'ya at sa huli iiwan lang din pala s'ya ni Dennis. Maraming masakit at pangit na alala ang meron s'ya kay Dennis kaya ayaw n'yang madamay ang anak nila.
Kaya naman ng itakwil na s'ya ng tuluyan ng parents n'ya dahil sa nangyari kay Daniella ginamit na lang din n'yang excuse iyon para makatakas sa magulang sa pamimilit ng mga ito na mag paka nanay na s'ya sa anak nila ni Dennis. Hindi pa s'ya handa pero lahat ng sentimo na kinikita n'ya sa lahat ng trabahong pinapasukan n'ya. Iniipon n'ya para sa future ng anak n'ya na wala s'yang balak na ipaako sa parents n'ya. Kaya naman halos wala na s'yang pahinga sa loob ng 24 hrs. Okay na s'ya sa 2 hours na tulog mas gusto n'yang pagurin ang sarili para wala ng puwang ang pag-iisip n'ya sa nangyayari sa buhay n'ya.
Lalo pa't nag paparamdam nanaman si Dennis, hindi pa s'ya fully recover sa mga kaganapan sa buhay n'ya heto nanaman si Dennis at may balak nanaman pahintuin ang ikot ng mundo n'ya. Kailangan n'yang rendahan ang puso n'ya ng mabuti kung ayaw n'yang mapariwara nanaman s'ya. Bago pa lang n'ya muling na bubuo ang puso n'ya at ang puso n'ya sa anak na ang n'ya ilalaan.
Kung tutuusin hindi naman n'ya kailangan pagurin ang sarili n'ya sa pag tatrabaho dahil malaki naman ang naging mana n'ya sa lolo n'ya, nilang mag kakapatid. Idagdag pa ang allowance na ipinadadala noon sa kanya ng ng parents n'ya na 'di naman n'ya nagalaw since ng tumira s'ya sa poder ng lolo n'ya. Sa madaling salita she's a billionaire dahil sa lolo n'ya at sa magulang n'ya but she choose not to spend the money na nang galing sa mga ito. Mas gusto pa rin n'ya na galing sa pinag paguran n'ya ang perang ilalaan n'ya sa future ng anak n'ya. Hindi s'ya nakatapos ng college dahil nga mas inuna n'ya ang t***k ng puso kesa pairalin ang utak n'ya pero pinipilit naman n'yang makatapos. Kumuha s'ya ng ilang unit sa isang university napasok s'ya sa school from 3pm to 7pm ng gabi. Pag patak naman ng 8pm may trabaho s'ya sa isang bar bilang waiter 3am naman ang labas n'ya.
Napatingala sa langit si Aira ilang oras na lang mag liliwanag na ang langit pero s'ya bago pa lang pauwi. Matutulog s'ya bandang 4am at gigising s'ya ng 6am or 7am. May pasok naman s'ya sa isang fast food bilang part timer, madalas nasa loob lang s'ya ng isang mascot at na ngungulit sa mga customer na tuwang-tuwa naman sa kanya. Walang nakakaalam na babae ang nasa loob ng mascot na nag dadala ng saya sa lahat ng mga bata at matatanda. Nagagawa n'yang mag pasaya ng ibang tao basta nakatago s'ya sa mascot na suot dahil pakiramdam n'ya kapag suot n'ya ang costume n'yang mascot pan samantala n'yang nakakalimutan ang mga mapapait n'yang karanasan sa buhay. Nagagawa s'yang sumaya panandalian at mag pasaya ng ibang tao.
"Matinong uwi pa ba ito ng isang babae?" turan ng isang britonong tinig na ikinaunat n'ya ng tayo. Salubong ang kilay na napatingin s'ya kay Dennis na prenteng naka-upo sa pasimano ng terrace ng bahay n'ya habang naka halukipkip ang braso sa dibdib.
"Do I know you?"
"Kahapon lang kilala mo pa ako ngayon ang bilis mo naman makalimot. Nakakasakit ka naman ng damdamin." tumayo naman si Dennis. Kumunot naman ang noo ni Aira parang may kakaiba sa kilos at pananalita ni Dennis. Yes, kilala n'yang mabiro at talagang flirt si Dennis pero parang may iba rito at 'di lang n'ya matukoy iyon eksakto.
"Wala ka bang kalaro ngayon?" tanong ni Aira na bago pa s'ya malapitan nito agad na n'ya itong iniwasan at nilampasan saka nag mamadaling binuksan ang pinto n'ya.
"Aren't you gonna invite me in?" tanong pa ni Dennis ng makapasok s'ya at akmang isasara na n'ya ang pinto ng pigilan nito.
"Meron ka na bang nakitang tao na bumisita ng ganitong oras sa bahay ng babae?" tumango naman si Dennis.
"Meron naman. Ako!" turo ni Dennis sa sarili habang naka ngisi.
"Sabagay oo nga pala 'di na ako nagulat pero sorry meron lang akong 2hrs para matulog. Marami ka naman pera hanap ka na lang ng ibang aabalahin." isasarado na sana n'ya ang pinto pero mabilis nito iyon itinulak sana wala anumang pumasok sa loob ng bahay n'ya saka nag palingon-lingon sa paligid muntik pang matawa ni Aira na humampas ang noo nito sa 2 by 4 na kahoy na pinaka pinag pakuan ng flooring ng second floor ng bahay n'ya. Medyo mababa kasi ang yari ng first floor sakto lang sa mga taong medyo hindi katankaran. 5'7 lang ang height n'ya kaya kahit papano hindi na sasalpok ang noo n'ya pero dahil matangkad si Dennis sapol ang noo nito.
Nakapikit lang ito habang kagat ang labi na halatang pinipigilan lang na wag suntukin ang kahoy na tumama sa noo nito. Alam n'yang isang secret agent si Dennis galing sa isang secret organization na gustong mag pabagsak sa malaking black syndicate na kinabibilang ng lolo n'ya. At may kutob s'yang may dahilan ang pag lapit nito sa kanya, malinaw ang dahilan noong mag hiwalay sila. Maayos silang nag-usap kaya hindi ito bigla na ang lalapit sa kanya na walang dahilan at kikilos na parang malanding lalaki na handang makipag flirt sa kanya.
Malandi at maloko si Dennis pero hindi ito ganitong kumilos kapag silang dalawa lang noon. Clingy ito at possessive gusto nito kapag mag kasama sila lahat ng atensyon n'ya narito, Mabiro rin gusto ni Dennis tatawanan n'ya ang mga joke nito kahit corny. Kaya ng bigla itong nag bago at kaliwa't-kanan ang pang babae. Alam n'yang may mali pero pikit mata n'yang tinanggap kasi nga mahal n'ya. May pag kakataon pa na isinasama pa nito sa condo nila na talaga naman na sasaktan na s'ya pero pikit mata n'yang tinanggap dahil nga mahal n'ya. Ganun s'ya katanga sa pag mamahal kay Dennis pero ng mag sabi itong mag hiwalay sila, hindi pa s'ya pumayag ng una nag maka-awa pa s'ya at ginamit pa n'ya ang batang pinag bubuntis n'ya para wag s'yang iwan nito pero sa huli na huli pa rin n'ya itong may kasiping na babae sa mismong kamang ginagamit nila kapag nag tatalik sila.
Alam n'yang may mali dahil kilala n'ya si Dennis maloko ito pero hindi nito gagawin na saktan s'ya nito ng ganun, natitiyak n'yang may mabigat na dahilan para saktan s'ya nito ng sobra. Ang masakit lang isipin na mas pinili nito ang secret organization na kinabibilangan nito kesa sa kanya at sa batang pinag bubuntis n'ya. Kaya malinaw n'yang na realize na hindi sila magiging maligaya 2nd lang sila sa magiging priority nito kung ipipilit n'ya ang sarili rito. At ngayon hindi naman s'ya manhid para 'di mapansin ang motibo ni Dennis sa muling paglapit sa kanya. Mas lalo lang nitong pinatunayan na mas importante rito ang mission nito kesa naging samahan nila. And worst baka ito pa ang pumatay sa kanya kaya kailangan maging handa s'ya sa bawat kilos nito hindi kailangan muling tumibok ang puso n'ya para rito at huminto nanaman ang ikot ng mundo n'ya.
Hindi na s'ya ang Aira na mabilis na mauto at immature pang mag-isip her lolo teach her well kaya she can manage the situation para ma protektahan n'ya ang sarili laban kay Dennis. Subukan lang nitong kantiin ang buhay n'ya. S'ya ang nag bigay rito ng pangalawang buhay nito at kayang-kaya din n'ya iyong bawiin kung kailangan. She been thru a lot kaya wala ng puwang sa puso n'ya ang isang Dennis Lagdameo pero hindi rin pala s'ya sure. Sinabi na rin n'ya iyon dati pero ano bang nangyari sinugod n'ya ang hide-out nila Jazel at mag-isang iniligtas si Dennis.
"Lumabas ka na nga, sisirain mo pa ang bahay ko."
"Inisip mo pa talaga ang bahay mo? Muntik ng mabasag ang bungo ko. Damn!" mariin pang usal nito na hinawakan na ang noo na tiningnan pa kung dumugo.
"I doubt it sa tigas ng mukha mo hindi ka tatalaban ng kahoy." sasagot pa sana si Dennis ng makarinig sila ng katok mula sa pinto na agad naman n'yang binuksan.
"Nakita kong bukas na ang ilaw mo kaya nag baka sakali akong naka-uwi ka na."
"Kadarating ko lang. Ano to?" tanong pa ni Aira ng iabot sa kanya ang isang supot na medyo mainit pa.
"Pandesal. Lumabas kasi ako sa labasan kanina aabangan sana kita pero naka-uwi ka na pala." sagot nito pero nakatingin kay Dennis na at home na at home basta na lang humilata sa upang n'yang kahoy na nag silbi n'yang sofa na meron manipis na foam.
"May bisita ka pala."
"Sino?" kunwari pang tanong ni Aira sabay lingon kay Dennis.
"Kuya mo?" 'di naiwasan ni Aira na napangiti sa sinabi ni Dennis. Dennis John din ang pangalan nito may John nga lang ay at anak ng may-ari ng bahay na inuupahan n'ya.
"Bunso ko akong anak excuse me lang." sagot ni Dennis na biglang bumangon at na mulsa na lumapit sa kanya sabay akbay sa kanya. Napatingin pa s'ya sa kamay nitong nasa balikat n'ya ganun din naman si DJ na nag palipat-lipat pa ng tingin sa kanilang dalawa. Pasimple naman n'yang inalis ang kamay nito sa balikat n'ya sabay siko sa sikmura nito.
"We're not relatives pero dahil he's older than me by 6 years yes he's my Kuya." ngumiti naman si Dj na parang nawala ang takot sa mukha. Hindi pa man ito nag sasabi sa kanya pero alam n'yang may gusto ito sa kanya kahit sinabi na n'yang meron s'yang anak ayaw lang nitong maniwala.
"May gusto ka kay Aira? Deretsong tanong ni Dennis na sinamaan n'ya ng tingin.
"What? masama bang mag tanong halata naman kasi?" ani Dennis na masama na rin ang hilatsa na mukha.
"Oo ang sagot ko sa tanong mo." lakas loob naman sagot ni DJ.
"Alam mo bang may anak na s'ya." napalingon si Aira kay Dennis. Iniintay n'ya idugtong na ito ang ama pero wala itong sinabi.
"Oo, sinabi na n'ya sa akin at okay lang handa kong tanggapin ang bata." pagak naman tumawa si Dennis.
"Kukuha ka na lang yung pang may sisiw na. Wala bang magka gusto sayo?"
'Ano bang paki-alam mo, buti pa nga yung ibang tao handang mag pakatatay sa anak ko kesa sa ibang tao na nag bubuhay binata at puro pang babae ang alam. Wag kang epal kung wala kang matinong sasabihin umalis ka na sa bahay ko." mula sa manggas ng damit hinila na ni Aira palabas si Dennis.
"Wala tayong relasyon kaya wala kang karapatan maki-alam sa buhay ko. Kapatid ka lang ng asawa ng mga kapatid ko. Iyon ka lang sa buhay ko kaya hindi kailangan ng opinion mo." angil n'ya kay Dennis saka si Dj naman ang hinila papasok sa loob ng bahay n'ya at pag ka sarado ng pinto mabilis n'yang pinatay ang ilaw habang nanatiling nakatayo sa likod ng pinto. Iniintay n'yang kumatok si Dennis pero narinig na lang n'ya ang pag sipa nito sa pinto n'ya sabay mura habang papalayo.
"Puwede bang dito ka muna." baling ni Aira kay DJ na nanahimik ang sa likuran n'ya.
"Okay ka lang s'ya ba ang tatay ng anak mo?" hindi naka sagot si Aira bumuga lang s'ya ng hangin.
"Wag mo ng sagutin parang alam ko na rin naman ang isasagot mo." alanganin naman ngumiti si Aira.
"Okay lang bang patay na lang ang ilaw. Let's eat this habang nag kakape." ngiti na lang ni Aira.
"Oo, sige ako na mag titimpla ng kape natin. Mabihis ka na muna kunwari na lang walang kuryente na madalas naman mangyari dito sa atin." tumango naman si Aira saka nag pasya ng umakyat sa taas para mag bihis pero bago pa n'ya mabuhay ang ilaw ng kuwarto n'ya nagulat na lang s'ya ng biglang may nag takip ng bibig n'ya pero dahil hindi naman s'ya basta babae lang mabilis din s'yang nakakawala rito at nag pang buno silang dalawa pero dahil malaking lalaki ang pumasok sa loob ng kuwarto n'ya medyo na hirapan s'ya kaya nagawa nitong ihiga s'ya sa kama at madaganan. Hindi kailangan ang ilaw at liwanag para di n'ya makilala si Dennis dahil ito lang naman ang kilala n'yang lalaki bukod sa Kuya Devin na na ngangalingasaw ang amoy ng fabric conditionaire na humahalo sa amoy ng pabango nito.
"Mukhang mapapalaban nga ako sa'yo ng husto. You're not an ordinary woman at ganyan klase ng babae ang gusto ko palaban."
"F**K you!" mariin na angil n'ya habang nag pipilit na kumawala sa mahigpit na kapit nito sa braso n'ya sa may ulunan n'ya.
"I will f**k you soon! Don't worry darating tayo dun."ngisi pa ni Dennis na bigla na lang s'yang hinalikan ng biglang bumukas ang ilaw na ikinalaki ng mata s'ya at makita si Dj na nasa pinto ng kuwarto n'ya. Mabilsi itong naka pasok at hinila si Dennis paalis sa ibabaw n'ya. Mabilis naman n'ya kinuha ang baril sa ilalim ng kama n'ya at mabilis na itinutok sa sintido ni Dennis na ngumiti pa kesa matakot.
"Full the trigger Aira." utos pa nito.
"I will." sagot naman ni Aira na bahagyang lumayo saka literal na binaril sa hita si Dennis na napamura na nasapo ang hita kasabay ng pag luhod ng isang binti nito.
"Ngayon naka luhod ka na sa harapan ko kung 'di ka pa aalis. Utak mo ang tataniman ko ng bala." banta pa ni Aira. Hindi naman naka imik si Dennis na masama ang tingin sa kanya saka pinilit nitong tumayo na iika-ika na lumabas ng kuwarto. Marahas naman napahinga ng malalim si Aira saka nag tungo sa bintanang bukas.
"Aira." gulat na bulalas ni Dj ng makita nitong inasinta ulit n'ya si Dennis ng makalabas ito ng bahay n'ya ilang minuto. Muli n'ya itong pinaputukan pero dumaplis lang yun sa balikat nitong na sapo nito saka galit na lumingon sa kanya.
"F**K you Aira!" sigaw pa ni Dennis.
"Mahal din kita! Gago!" sigaw din n'ya sabay sarado ng bintana.