Kung may dala lang s'yang baril tataniman na n'ya ng bala ang sintido ni Dennis at ang babaeng kasama nila sa buong biyahe. Akala n'ya silang dalawa lang ang pupunta ng pampanga pero may kasama pa silang isa at 'di n'ya kilala kung sino ito. Marahil ito ang sinasabi ni Dennis na love life. Puch* hindi love life ang tinutukoy nito kundi s*x life, ginawa pa s'yang driver ng hinayupak na lalaki. Kung puwede lang na ibangga na lang n'ya ang kotse ginawa na n'yang dahil buong biyahe ata nag halikan na ang mga ito sa back seat at kulang na lang mag s*x na talaga ang mga ito. Akala n'ya wala na s'ya paki-alam at 'di na s'ya masasaktan kahit pa mag jowa na ng bago si Dennis dahil handa na rin naman s'yang mag pakasal sa ibang lalaki pero bakit na pupuno ng sakit at nanariwa nanaman ang galit n'y