Sigfried's POV Isang babae na naka-corporate attire ang nasa harapan naming anim. It's 6 AM and we're all up. Napagdesisyunam naming magsibangon nang maaga para masimulan na ang pagtuturo kay Mandy ng mga dapat niyang gawin. Pero nang dumating ang babae na ito sa harapan namin ay lahat kami'y nagulantang. "A-ano?" tanong ko. "K-kailangan na ba talaga ngayon?" tanong naman ni Edwin. Awkward na napangiti ang babae at napatango. "Iyon ang ibinilin ni Mr. Gatchalian bago siya lumarga papuntang Singapore kaninang 3 AM. He said that I have to make sure that you boys will follow his orders," pag-imporma pa niya. Doon ay sabay-sabay kaming napalunok at napatahimik sa loob ng living room. Matapos naming ihatid sa may pinto ang babae ay kaagad kaming hinila ni Looney pabalik sa sala. "Guys, a