When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Ilang araw din siyang nag-isip. Nagkikita lang sila ng Española kapag kumakain siya lalo at ito ang personal na nag-aasikaso sa lahat para sa kanya. Kaya't napag-isip isip niya ang kaniyang nagawa. Kung ilang araw siyang hindi nilubayan ng kaisipang ginahasa niya ang kaniyang bantay ay ganoon din siya nag-isip. Kailangan niyang panindigan ang kapangahasan niya. "Isa kang abogado, Shane Garrette Cameron. Oo inilayo ka nila o mas tamang sabihin na pinaglayo nila kayo ni Chelle pero hindi naman yata makatarungan ang ginawa mo sa kaniya. Hindi ka ba naawa sa kaniya? Dangal niya ang kinuha mo kaya't mag-isip isip ka rin, attorney." Madalas na nga siyang sermonan ng sarili. Kabaliwan man pero talagang nababaliw siya sa kakaisip. "Ama, alam ko po na wala akong karapatang humingi ng pabor sa iyo