CHAPTER 4 - JOYCE'S POV

1126 Words
Ang aking kaibigan na si Abby ay nagmula sa pamilya ng mga politiko. Simula sa kanyang lolo hanggang sa kanyang daddy at mga tito at tita ay may p’westo sa gobyerno. Si Abby ay kilalang anak ng mayor at apo ng Senador at ang kanyang Tito Greg naman ay ang Vice Governor dito sa aming probinsya. Sa aming apat malimit kaming mapagkamalan na magkapatid ni Abby dahil sa pagkakahawig namin na dalawa. Minsan pa nga’y naririnig ko sa tao na kamukha raw ako ng mayor namin. Minsan tuloy ay gusto kong tanungin ang aking mommy kung bakit sinasabi ng tao na kamukha ako ng mayor namin. Hindi nagtagal ay natapos din ang basketball at nagdesisyon na kami ng mga kaibigan ko na umuwi. Tuwing hapon ay natutuwa kami na maglakad, dahil tumatambay muna kami sa park na magkakaibigan. At kahit gusto ng mommy at daddy ko na hatid-sundo ako dito sa school ay hindi ako pumapayag. Gusto ko ma-enjoy ang high school life ko kaya sinabi ko sa mommy ko sa hapon ay mas gusto kong umuwi kasabay ang mga kaibigan ko. Isa ang pamilya ko sa mayaman dito sa bayan ng Tayabas dahil ang pamilya ng daddy ko ang nagmula sa mayaman. Habang si mommy naman ay nagmula sa mahirap na pamilya. Nakakatuwa nga ang lovelife ng mga magulang ko dahil after break-up nila noong high school sila ay muli silang nagkita at nagkabalikan. Naglalakad kami na magkakaibigan nang may narinig kaming ingay. “Mga sis, huwag na kayong magtampo sa akin. Kaya naman ako nakipagkaibigan kay Lorraine, para may tumulong sa akin na mapalapit kay Nathan!” maarteng sabi ni Lavinia sa kanyang mga kaibigan. Nagkatinginan kami nina Laya at Clarice at binagalan pa namn ang paglalakad para makinig namin ang uasapan ng magkakaibigan. “Pero, Lavinia, ako ang bestfriend mo! Bakit kailangan mo pang makipag-bestfriend kay Lorraine?” maarteng tanong ni Cathy kay Lavinia. Napailing na lang ako sa aking nalaman dahil naaawa ako kay Lorraine dahil fake pala ang pakikipagkaibigan sa kanya ni Lavinia. Hinila ko sina Laya at Clarice dahil naiinis lang ako na marinig paang mga sasabihin ni Lavinia. Kung makakausap ko lang si Lorraine, sasabihin ko sa kanya ang nalaman namin. Hindi nagtagal ay nakarating na kami dito sa bandstand kung saan nagmemeryenda kaming magkakaibigan tuwing hapon. Hilig talaga namin ang magmeryenda dito sa bandstand lalo na ang pansit ni Mang Tony na talagang dinadayo ng mga estudyante. “Mang Tony, pansit lucban po sa aming tatlo,” sabi ko habang si Laya naman ay pumunta sa isang tindahan upang bumili nang lumpiang shanghai at lumpiang gulay. Samantalang si Clarice ay pumunta sa isang tindahan upang bumili ng shake. Habang hinihintay ko ang aking mga kaibigan ay may narinig ako na nag-order kay Mang Tony. “Mang Tony, limang pansit lucban nga po at isang tamis anghang na pansit,” order ng isang lalaki na mukang pamilyar sa akin ang boses. Hindi ako p’wedeng magkamali kung kaninong boses ang narinig ko. Kahit kanina ko lang narinig ang boses niya ay kilala ko na ito at hindi ako p’wedeng magkamali na si Carlo ang nagsalita. “Oh, sige, Carlo, umupo na kayo diyan sa sa isag lamesa,” tugon ni Mang Tony. Nang marinig ko ang sinabi ni Mang Tony ay dahan-dahan akong tumingin sa grupo nina Carlo. Halos manigas ako sa aking kinauupuan nang mapatingin sa akin si Carlo. Ngunit bigla akong nalungkot nang makita ko umupo siya sa tabi ni Lorraine. “Lorraine, gusto mo ba ng shake?” tanong ni Carlo kay Lorraine. Tumango si Lorraine bilang tugon. ‘‘Okay, kayo mga p’re, anong gusto n’yo?” tanong niya naman sa kanyang mga kaibigan. ‘‘Softdrinks na lang sa amin. Si Lorraine na alang ang bilhan mo ng shake,’’ tugon ni Nathan. Dahil sa kinikilos ngayon ni Carlo ay hindi ko alam kung may gusto ba siya kay Lorraine o kung girlfriend niya ito. Hindi rin naman nakakapagtaka kung magustuhan ni Carlo si Lorraine dahil maganda ito at mabait. Ipinislig ko ang aking ulo dahil sa kung ano-anong iniisip ko. Iniiwas ko na lang ang aking mga paningin sa kanila nang hindi nila ako mapansin. Ngunit ang mga mata ko’y tila kiti-kiti na hindi tumigil sa paggalaw dahil sa paghabol ko ng tingin kay Carlo. Habang nakatingin ako kay Carlo ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni mang Tony. “Joyce, narito na ang order n’yo,” saboi ni Mang Tony na katatapos lang niyang ilagay sa plato ang order namin. Tumayo ako. “Wow, ang sarap nito, Mang Tony, bagong luto,” masayang puri ko nang maamoy ko ang mabangong pansit lucban. “Oo naman! Kaya nga binabalik-balikan ninyo ang pansit ko!” pabirong sabi ni Mang Tony at muli siyang naglagay ng pansit sa mga plato. Tumingin ito sa table nina Nathan at muling nagsalita. “Carlo, narito na ang order n’yo,” tawag niya kay Carlo. “Opo,” mabilis na tugon ni Carlo na hindi ko namalayan na nasa likod ko pala. Halos manigas ako sa aking kinatatayuan nang makatabi ko si Carlo. Nang hindi ako makakilos ay lumapit sa akin si Clarice at tinulungan ako na dalhin ang pansit sa lamesa namin. “Hoy! Umayos ka diyan, Joyce,” pabulong na sabi sa akin ni Clarice. Tumango ako at sumunod kay Clarice, dahil baka mahalata pa ako ni Carlo na may gusto sa kanya. Habang nagmemeryenda kami ay narinig ko ang awitin na Bakit Ikaw Pa Rin ni Noah. At tamang-tama naman na nakita ko na binigyan ni Carlo si Lorraine ng cupcake. Hindi ko malunok ang aking kinakain habang ang mga mata ko’y nakatitig kina Carlo at Lorraine. Hindi ko alam kung tama ba akong masaktan na wala naman akong karapatan na magselos kay Lorraine dahil hindi ako girlfriend ni Carlo. “Ano sa tingin n’yo? Girlfriend ba ni Carlo si Lorraine?” malungkot kong tanong kina Clarice. Umiling si Clarice. “Sa tingin ko hindi! Kasi halatang-halata naman kay Lorraine na si Nathan ang gusto niya,” seryosong sabi niya. “Oo nga! At magkatulad lang sila ni Nathan na may gusto sa isa’t isa,” segunda naman ni Laya kay Clarice. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kanilang dalawa. Nagpatuloy na ako sa pag-meryenda at hindi ko na lang pinansin sina Carlo at Lorraine. Siguro naman ay malalaman ko rin kung mag-boyfriend/girlfriend nga ba sina Carlo at Lorraine. “Bakit nga ba ikaw pa rin?” bulong na tanong ko sa aking sarili. Habang nakatitig ako sa dalawa’y hindi ko mapigilan ang aking mga luha na pumatak mula sa aking mga mata. Dahil pakiramdam ko’y unti-unti akong pinapatay nang dahil sa selos ko. Kung p’wede ko lang pigilan ang aking nararamdaman ay ginawa ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD