Andito kami ngayon banch at nakatambay nang dumating sina Carlo. Pagkatapos ay dumating si Lorraine na tumatakbo. “Oh, Lorraine, bakit ka tumatakbo?’’ bati ko kay Lorraine. Huminga muna nang malalim si Lorraine bago nagsalita. ‘‘Gusto ko lang sabihin na wala na tayong klase. Dagil may meeting ang mga teacher ng mga second year,” hinihingal na sabi ni Lorraine. Nagkatinginan kaming magkakaibigan. “Ano girls? Saan tayo pupunta?” masayang tanong ko sa aking mga kaibigan. Kapag wala kaming pasok ay tumatambay muna kami sa isang lugar bago umuwi. Habang nag-uusap-usap kami ay nagbulungan sina Carlo, pagkatapos ay lumapit sa akin si Carlo. “Joyce, gusto n’yo sumama na lang katyo sa tambayan namin?” tanong sa akin ni Carlo. “Tambayan?” paninigurado ko. “Oo, sa tabing-ilog,” mabilis na