Ressel's POV Ang aga kong nagising. Nag-ayos na agad ako ng aking sarili. Hindi ko alam kung anong oras darating si Sir. Este, si Harley. Nasanay na kasi ako. Bakit nga ba siya nagyayaya? "Ang aga mo, Anak. May lakad ka ba? Bihis na bihis ka. Nakadress ka pa ah?" tanong ni mommy sa akin. Well, hindi ko alam bakit naisipan kong mag-ayos nang ganito. "Mom, susunduin daw po ako ni Harley dito. Hindi ko lang po alam kung bakit," paliwanag ko. Tinitingnan ko ang reaction niya. Mukhang okay naman sa kanya. "I see. Mag-iingat kayo. Dapat ihatid ka rin niya pauwi. 'Wag magsusuot ng wedge or heels at yung mga madudulas na flats," napangiti naman ako sa payo niya. Nagbago na siya. Hindi na rin niya pinapagalitan ang mga yaya namin. Sinusuportahan din niya ako sa lahat ng plano ko. "Yes, Mo