Chapter 1

1337 Words
Natalie: "Shhhh dito lang kayo ng kapatid mo sa basement. Mas ligtas ka dito anak." Sabi ni Ina. Nasa ibaba kami ng basement dahil papalapit na ang dilim at alam naming maghahasik nanaman ng lagim ang mga kampon ni Mr. Lionhart. Siya lang naman ang may ari ng buong Richmond. Takot na takot kami ng kapatid kong si Julian. Magkayakap kaming dalawa habang papaakyat na si Ina at kinandado ang pinto. Walang gustong umimik saming dalawa. Ramdam ko ang pag t***k ng napakabilis ng aming mga puso. Nanlalamig ang aming mga kamay at pinagpapawisan ng malamig. "Ate, natatakot ako. Baka kunin ka nila." Sabi ng kapatid ko. Matatakutin si Julian, ako din naman ay natatakot ngunit nilalakasan ko ang loob ko. "Shh Julian wag kang mag isip ng kung ano. Ligtas ang ate dito, hindi ka rin pababayaan ng ate okay?" Hawak hawak ko ang magkabilang pisnge ng kapatid ko. Jillian was only 10 year old. Ako naman ay 14 year old. Bata pa ako ngunit mabilis na nagdalaga. Walang gustong gumawa ng kahit anumang ingay saming dalawa. Maging si Ina sa itaas ay maingat at tahimik lamang. Pati ang aming pag hinga'y pinipigil makagawa ng anumang ingay dahil takot na takot kaming pasukin ng mga Henchman. Henchman ang tawag namin sa mga tagasunod sa utos ng Mafia Lord na si Lionhart. Waring ihip lamang ng hangin sa labas ang madidinig mo. Alasingko pa lamang kasi ng hapon ay itinatago na ng lahat ang mga dalaga dahil kukunin ito ng mga Henchman para ialay sa kanilang pinuno. Ewan ko kung ano ang historya nito ngunit namulat na ako sa ganitong gawain ang mag tago. Magtago buong buhay ko. Lalaki ang kapatid kong si Julian kaya maswerte ito. Babae lamang ang kanilang kinukuha na hindi namin malaman ang kadahilanan. Ilang segundo pa ang nakalipas. Nakarinig kami ng yabag ng mga paa. Halos mamatay na ako sa labis na takot ng sunod sunod ang nadinig namin na pagsigaw ng ilang kababaihan. "Wag ang anak namin! Maawa kayo! Parang awa niyo na." Pagsusumamo ng isang ginang. "Tahimik! Napagutusan lamang kami. Kaya ikaw tanda kung ayaw mong mamatay tumahimik ka!" Sabi ng lalaking may malaking boses. "Anak! Anak! Bitawan niyo si Gia ang anak ko!" Narinig pa naming sabi ng isa namang matandang lalaki. Napapikit na ako sa labis na takot at nakayakap parin sakin ang kapatid ko. "Ate natatakot na ako. Ayan na sila baka pasukin nila tayo." "Shhh Julian wag ka munang maingay." Pagtakip ko sa kanyang bibig dahil paniguradong madidinig kami ng mga Henchman. Takot na takot talaga ako ng mga oras na yon. Dahil hindi ko alam ang kahahantungan ko oras na maging bihag ako ng Mafia Lord. Wala nadin kasi kaming naging balita pa sa mga nadakip. Mas lalo akong kinabahan ng madinig namin ni Julian na bumukas padabog ang pintuan mismo sa labas. "Anong ginagawa niyo dito?" tinig ni Ina. "Ate si Ina." Sabi ni Julian mabuti na lamang at natakpan ko agad ang bibig nito. Nakiramdam lamang ako kung anong nangyayare sa itaas. "Hindi niyo ba nakikita ako lang ang nakatira dito? Ako lang." Sabi ni Ina. Pumapatak na ang mga luha ko sa labis na takot. Papaano na lang kung may gawin silang hindi maganda sa Ina. "Tahimik!" Sigaw ng lalaki. Nakadinig muli kami ng ilang mga yabag na parang may hinahanap. "Umalis na kayo sa pamamahay ko! Wala akong kasama dito!" Matapang na sabi ni Ina. "Gusto mo bang butasan ko ang leeg mo? Sabi ko tumahimik ka! Napag utusan kami ni Lord na halughugin ang lahat!" Sabi ng isa sa mga henchman. Halos hindi na ako makahinga dahil sa narinig ko ang mga yabag na papalapit sa pinto ng basement. "Ano to? Bakit naka kandado ito?" Sabi nito. "Matagal ko ng hindi binubuksan yan. Nandiyan ang lahat ng gamit ng asawa kong namatay." Pagdadahilan ni Ina. Totoo namang wala na si Itay. "Sinungaling! Akala mo ba'y mabibilog mo ang ulo ko?" "Sandali lang! Tama na yan. Sinabi ko na sayo na walang-" Nakaribig kami ng malakas na sampal. Sinampal niya si Ina. Walang puso talaga. Mga hayop sila. "Hoy ikaw gurang kana. Gusto mo atang gahasain pa kita diyan!" Sabi ng lalaki. Nadinig namin ang pag wasak mismo ng kandado. Napatayo kaming magkapatid at dahan dahang nag tago sa gilid na madilim na parte. "Tama na! Bitawan niyo ako! Makakaalis na kayo!" Pagpigil ng Ina habang kitang kita namin na nakahawak ang mga ito sa magkabilang braso niya upang hindi makagalaw. Nakadungaw ako mismo sa maliit na awang ng lagayan namin ng libro. Halos hindi na ako makahinga ng maayos ng malanghap ko ang alikabok at hindi ko na mapigilang bumaheng. Lumingon muli ang lalaki. Sisigaw na sana ang kapatid ko ng takpan ko ang bibig nito. "Sinasabi ko na nga ba! May tinatago ka dito!" Sabi ng lalaki. Ipinasok ko pa ang maliit kong katawan sa dulo ng maramdaman ko ang biglang paghila saking buhok. "Anong ginagawa mo dito bata?" Sabi ng isa sa mga henchman. Isang lalaking may kaedaran na. "Anak!" Sabi ng Ina. Kaagad namang tumakbo sakanya si Julian habang nakasabunot padin sakin ang lalaking may tattoo sa kamay na simbolo ng dragon. Hindi ko alam kung bakit lahat sila ay may tattoo sa mga kamay. "Nagtatago kapa dito ah." Sabi nito at hinigpitan pa ang pagkakasabunot sakin. Napahawak ako sa kanyang kamay at labis na napadaing habang nakapikit. "Parang awa niyo na wag ang anak ko. Wag ang anak ko, napakabata pa niya." Sabi ni Ina habang lumuluha. Yakap yakap niya si Julian. "At ano ang gusto mo ikaw? Ang tanda mo na." Sabi ng nakasabunot sakin sabay tawa nila ng malakas. "Dalhin na ang isang yan." Sabi ng isa sa kanilang pinuno. "Anak! Anak!" Nagsisisigaw ang Ina habang kinakaladkad ako ng mga kalalakihan. "Maswerte tayo, siya ata ang pinakamagandang babaeng nakuha natin. Tiyak na hindi na magagalit ang Lord." Sabi ng isa sakanila at ipinasok ako sa isang napakalaking kulungan. Kulungan ng ibon kung saan nadatnan ko pa ang napakaraming kababaihan sa loob nito. "Diyan ka!" Itinulak nila ako sa loob. Wala akong nagawa. Iyak lamang ako ng iyak. Kaagad na may ikinabit na bakal saking leeg. Bakal na tali na parang pang aso. Pinilit kong tumayo ng lumabas na ang lalaki at humawak sa malamig na rehas. Sinikap kong pagkatitigan ang Ina na labis na nagdadalamhati sa pag iyak. Isang mabilisang sulyap lamang dahil tinabunan na ng itim at makapal na tela ang malaking hawla. Wala akong ibang marinig kundi ugong ng sasakyan at iyak ng mga kababaihan. Sinikap kong manahimik dahil tiyak na mauubos lang ang aking lakas kapag umiyak ako. Ilang oras pa ang inilagi ko sa hawla ng guminto ang malaking truck. Binuksan nila ang kulungan at isa isa kaming pinababa. Hindi kami makatakas dahil sa bakal na nakakabit saming leeg. Hindi pa sila nakontento at pinapila pa kami at isa isang pinosasan ang mga kamay namin. Ngayon ay wala na talaga kaming kawala. Inilibot ko ang aking mga mata. Nasa isang napakalaking mansion kami. Mansion na ito marahil ng Mafia Lord dahil may naka grave pang Lionhart sa malaking statwa na parang hugis demonyo. Napalunok ako. Nakakatakot ang aura ng mansion na ito. Habang kami ay tahimik na nakapila ay may lumabas na babaeng nakaitim na belo. Hindi ko ito kilala. Abala ito sa paninigarilyo habang may dalawang itim na aso sa kanyang likurin na parang pagmamay-ari niya. Hindi sila nakatali at nakakatakot ang mga ito dahil nanlilisik ang mga matang nakatitig samin. Inubos muna niya ang sigarilyo tsaka lumapit sakin banda. May takip pa ang kanyang kanang mata marahil ay bulag ito. Pinasadahan niya ako ng tingin. Lahat ay kinilatis niya ngunit mas matagal sakin at paulit ulit tinignan sa mukha. Pumili siya ng tatlong babae. Napasama ako sa mga ito. Magaganda ang dalawa kong kasama. "Ikulong ang mga yan. Wag pakakainin hanggat hindi ko sinasabi." Bilin nito sa mga lalaki. Sumunod naman kaming tatlo sakanya habang ang dalawang aso ay nakabuntot sa likuran namin. Wala na talaga kaming takas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD