Parang ayokong maniwala. Ayaw maniwala ng isip ko pero yung puso ko lang talaga ang traydor. Nagkatitigan pa kami ng putulin ko na ang titigan na yon. Hindi ko pala talaga kaya. Masiyado akong nalulunod sa mga titig palang ni David. "T-tara na." Sabi ko rito at inilayo ang sarili ko. Wala naman siyang imik ng pumasok na ako sa kanyang sasakyan. Pumasok narin ito at seryosong nagmaneho. Ang mga kama'y ko ay namamasa na sa labis na kaba. Bigla na lamang niyang hinawakan yon. Kabaliktaran naman ang sakanya dahil mainit ito at tuyong tuyo. Napatingin ako sa gawi niya seryoso lamang itong nagmamaneho ng mabilis pauwi. Nagtaka ako dahil hindi na niya ako pinipiringan saking mga mata. Kaya't nagsalita na ako. "Hindi mo ba ako pipiringan? Malalaman ko ang daan papunta sa mansion mo." "No.