Tahimik lamang si David sa pagmamaneho. Paluwas na kami ng probinsiya at napag desisyunan kong maagang umuwi bukas dahil kelangan kong dalawin ang Inay. Hanggang sa makarating kami ng mansion ay tahimik lang ito. Nag lakad na siya ng akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse para lumabas pero naunahan niya agad ako. Hindi nalang ako umimik ng pag buksan niya ako ng pinto. Pag baba ko'y inayos niya ang itim na coat na nakapatong saking balikat. Hindi ko naman kasi maintindihan ang klima dito na akala mo'y uulan na ng yelo sa sobrang lamig. "Are you okay?" Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko. Nagulat ako dahil hindi ito ang David na nakilala ko. Tumango nalang ako dahil hindi ko naman din alam kung paano ko siya kakausapin. Inakbayan na niya ako ng makapasok kami ng mansion. Nakas