Ilang oras pa ang inilagi namin sa kotse. Maya maya'y nakarating kami sa probinsiya na may nag tataasang mga puno at wala na halos kotseng dumadaan sa kalsada kundi kami lamang. "San ba tayo pupunta?" Hindi ko na matiis mag tanong. Seryoso naman ito na walang imik. Hindi na ako nag balak pang mag tanong muli dahil baka bigla nanaman magalit ito. "We're heading to my friend's wedding party." Sabi nito. Napakunot noo ako dahil hindi ko alam ang sinasabi niya. Hindi ba't masiyadong mabilis kung isasama niya ako? Isa pa sigurado akong malalaking mga tao yun at tiyak na manliliit ako sa mga mayayaman. Nagsimula ng manlamig ang aking mga kamay. Kinakabahan ako dahil hindi ko pa naman nakikita'y alam kong mga elegante at mayayamang mga tao ang pupuntahan namin. Mga edukado't nakapag tapos,