PROLOGUE
“Lucian, I’ve been married to you for three years, but you’ve never once touched me. I’ll give my blessing to you and your first crush by giving up on our marriage. Tomorrow, you’re free to go after her. But for now, just make it up to me for my feelings for you all these years, please?”
Pagkasabi ni Roxanne Jarvis noon, yumuko siya at siniil ng halik ang lalaki sa harap niya. Para siyang gamo-gamo na kusang lumapit sa apoy. Halatang desperado at nagmamadali ang kilos niya.
Alam niyang hindi tama ‘yon, pero mahal na mahal niya si Lucian nang matagal na.
Lahat ng sakit, tiniis niya. Ang gusto lang naman niya ngayon ay kahit konting konsolasyon.
“Roxanne, how dare you!” galit na bulyaw ni Lucian Farwell. Mahigpit niyang kinuyom ang mga kamao, at ang pangingitngit sa mukha niya ay halatang-halata.
Gusto niyang itulak palayo si Roxanne, pero naramdaman niya ang pagnanasa sa katawan niya. Parang apoy na unti-unting sinusunog ang natitirang kontrol niya.
Napakawalang-hiya niya! Paano niya nagawa ‘to?
“I’m afraid of nothing…” isang luha ang pumatak mula sa mata ni Roxanne. Lalo niyang binilisan ang paghalik habang nagmamadali ang mga kamay niya sa paghahanap sa katawan ni Lucian.
Gusto niyang maramdaman si Lucian, kahit ngayong gabi lang.
Napalitan ng matinding galit ang nararamdaman ni Lucian, pero wala na siyang kontrol. Lumamon ang init sa buong katawan niya at tuluyang nawala ang rasyonalidad.
---
Kinabukasan, maaga pang nagising si Roxanne.
Kahit ramdam pa niya ang kirot, bumangon siya para magbihis. Kinuha niya ang divorce papers na nakahanda na sa drawer at iniwan ito sa bedside table. Bago siya tuluyang umalis, tinignan niya ang natutulog na si Lucian.
“Lucian, I’ll set you free. From today onward, we shall go on separate ways. We will have nothing to do with each other anymore,” bulong niya bago tuluyang lumabas.
Punong-puno ng pait at lungkot ang puso niya nang umalis siya sa Farwell residence.
Pitong taon na mula nang mahalin ni Roxanne si Lucian. High school pa lang siya, hanggang kolehiyo, siya na ang nasa puso niya. Ang pinakamasayang pangarap niya ay maging asawa nito.
Pero simula pa lang ng kasal nila, klaro na na hindi siya gusto ni Lucian.
Tatlong taon na ang nakalipas mula nang mapilitan silang ikasal dahil sa kagustuhan ng lolo ni Lucian na may masayang event bago ito tuluyang pumanaw. Napili si Roxanne para pakasalan ni Lucian.
Agad-agad pumayag ang sakim niyang ama at stepmother.
Araw ng kasal nila, tuwang-tuwa si Roxanne habang naghihintay ng gabi.
Pero nung dumating si Lucian, nakangitngit ito sa galit. “Roxanne, I never wanted to marry you! Si Aubree Pearson ang gusto kong pakasalan. She’s the only one for me. Hindi ikaw, hindi ka sapat,” sabi nito nang malamig.
Alam ni Roxanne na wala siyang karapatang pilitin si Lucian na mahalin siya.
Pero nag-hope pa rin siya na isang araw, matutunan siya nitong mahalin.
Tatlong taon na ang lumipas sa kasal nila. Ginawa niya lahat para maging mabuting asawa.
Gabi-gabi, naghahanda siya ng hapunan para sa kanya. Kahit gaano pa siya ka-late, hihintayin niya ito para sabay silang kakain.
Pag umuuwi si Lucian na lasing, siya ang nagaalaga. Kahit gaano pa siya kagabi, hinding-hindi niya hahayaan na iba ang mag-alaga sa asawa niya.
Kada nagkakasakit si Lucian, si Roxanne ang unang nag-aalala. Pag taglamig, iniinit niya ang kwarto para hindi ito ginawin. Gigising siya nang maaga para ihanda ang damit nito at masigurong hindi ito lamigin.
Pero kahit anong gawin niya, hindi siya minahal ni Lucian, at hindi na mangyayari ‘yon.