CHAPTER 16

1407 Words

Halo-halo ang nararamdaman ni Aleli sa mga oras ma iyon. Ngunit hindi siya nakaramdam ng takot kahit na nag-iisa siya at madilim ang paligid. Sa gulo ng isipan niya'y wala nang puwang para maramdaman ang takot sa gabing iyon. Kahit alam niyang mag-isa siya sa tabi ng dagat at nasa laot si Clark, nangingisda kasama si Mang Pilo. Nahapit niya ang suot niyang roba nang umihip ang hangin. Nayakap niya ang sarili. Nakaramdam siya ng ginaw. Hindi kayang ibsan ng manipis na roba ang lamig ng gabing yaon. Palibhasa wala na siyang ibang saplot panloob maliban sa bra at panty na napapatungan ng manipis na silk robe. Mangilan-ngilan lamang ang mga bituin, at bahagyang nakakubli ang buwan sa maitim na ulap. Pakiramdam niya'y nakikisimpatya sa kaniya ang kadiliman at katahimikan ng gabi. Napapikit si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD