Nakarating kami sa mall ni Ari nang hindi nag-iimikan. Hindi ko alam kung bakit, pero wala na akong masabi pa. Hindi na din naman siya nagsalita at parang pinakikiramdaman na lamang niya ako. Sa dinami-dami ng mga katanungan na nabuo sa isip ko, iilan lamang ba ang naitanong ko at nabigyan niya ng sagot? Hindi ko alam. Ngunit pakiramdam ko, sapat na ang mga iyon para mawala ang mga tanong ko sakanya. At sa sinabi niya kanina, para bang nakaramdam ako ng guilt. Pinagdududahan ko nga ba ang pagmamahal niya sa akin? Iyon ba ang tingin niya? Hindi ko naman gustong ganoon ang maramdaman niya. Malaki ang tiwala ko sakanya. Siguro minsan, hindi ko maiwasan na hindi siya pagdudahan. Lalo na noong umalis siya at matagal na hindi nagparamdam. Ipinarada niya ang sasakyan sa parking lot. Medyo hin