Pagkatapos kong kumuha ng mga damit ay umalis din kaagad kami ni Ari. Siya na 'yung pinag-drive ko para hindi na niya ako panoorin pa pero mali ako dahil pasulyap-sulyap pa din siya nang tingin habang nagmamaneho. Hindi niya mai-focus ang paningin niya sa kalsada. "Focus on the road, Mishari! Nandito lang ako, okay?" Sabi ko nang makaramdam ako ng inis sakanya. Marahan itong tumawa. "It's hard to fix my eyes on the road when you're beside me. I'm trying real hard, baby. You see," aniya. Umirap ako sa kawalan saka nalang napangiti. Tumingin nalang ako sa dinadaanan namin. Ibinaba ko ang bintana at dinama ang medyo malamig na hangin sa gabing ito. Maluwang na ang mga kalsada ngayong mga oras na ito dahil lampas alas onse na ng gabi at medyo tahimik na din ang kapaligiran. Tumawag pa ang