Kagaya nang sinabi ni Mishari ay sinundo nga ako ni Nicole Britz sa bahay. Reklamo pa ito nang reklamo dahil dapat daw sana ay chicks ang kasama niya ngayon patungo sa night life at hindi ako. Hinayaan naman akong lumabas ng mga magulang ko dahil na din sa tulong ni Ate Pauleen na pupunta din doon maya-maya. Makikipag kita daw muna siya sa mga old friends niya. "Si Libby talaga dapat ang kasama ko ngayon, eh. Not you!" Matabang na saad ni Britz. Marahas ko siyang nilingon. "Who's Libby?" Tanong ko. Hindi niya ako sinagot. Ngumisi lang siya. At parang nahuhulaan ko na kung sino ang Libby na tinutukoy niya. "Your sister's bestfriend, Nicole Britz?" Panunuya ko. "You sound so disgusted, babe. Bakit ba?" Aniya sa nang-aasar na tono. Para na din niyang kinumpirma kung sino ang Libby na iyon