Tinawagan ko ang mga kapatid ko at itinanong kung bakit biglang naging ganito. Ang sabi ni Ate ay hindi niya alam na nagpunta sa bahay nila Mishari ang mga magulang namin. Nagulat pa silang dalawa ni Kuya nang sabihin ko ang tungkol doon. "Ari, kung ibaba mo nalang ako sa intersection? Tapos, umuwi ka na. Pwede mo namang bawiin 'yong sinabi mo na magkasama tayo," saad ko habang hindi mapakali sa upuan. "I won't do that, Jill. Mas mabuti na 'yong sabihin na natin sakanila ngayon," angal nito. "Hindi ito 'yong tamang pagkakataon! Gosh!" Iritang sabi ko. Bakit ba ayaw niyang sundin ang gusto kong mangyari ngayon? "Then, when? Jillian, walang tamang pagkakataon! Tayo 'yong gagawa no'n! Hindi natin iyon hihintayin, okay? There's no such thing as perfect timing!" Naiinis na din na sabi nito.