Malakas ang kabog nang dibdib ko habang naka-upo sa likod ng sasakyan kasama si Mommy. Patungo kami ngayon sa simbahan kung saan gaganapin ang wedding ceremony ni Ate Cath. At sa tuwing maiisip ko na madaming tao ang maaring nandoon na, kumakabog ng husto ang puso ko. Feeling ko ay ako ang ikakasal sa araw na ito kahit hindi naman talaga dahil isa lang ako sa mga bridesmaids. Pina-book pa ako ni Mommy sa isang salon para lang maayusan ako ng husto. At hindi pa siya nakuntento dahil inarkila pa niya 'yung isang make up artist para lang may mag-retouch sa akin at mapanatili ang ganitong ayos ko ngayon. Hindi naman makapal 'yung pagkaka-ayos sa mukha ko, pero dahil ang dami talagang ipinahid sa mukha ko, feeling ko ay ang kapal kapal ng mukha ko ngayon. Lihim kong sinulyapan ng tingin ang