Lumipas ang buwan at nanatiling sikreto ang kanilang pagmamahalan ni Jakob. Palagi silang magkasama na hindi nabibigyan ng ibang kahulugan ng kanilang mga magulang dahil masiyado silang maingat. Kaso may pagkakataon lang talaga na hindi napipigilan ni Jakob ang maging extra sweet sa kaniya. Minsan pa nga ay ninanakawan siya nito ng halik kapag nalilingat ang mga tao sa paligid nila. Sa mga simpleng bagay na iyon siya lalong nahuhulog kay Jakob. Mga masasayang sandali na nakakapagpalimot sa kaniya at para balewalain ang ipinayo sa kaniya noon ni Allison. Tuluyan na siyang nilunod ng kanilang pagmamahalan. "Jogging tayo ng jogging sa umaga pero parang hindi naman yata ako pumapayat." Pagrereklamo niya nang makarating sila galing exercise. Isa iyon sa morning bonding nila kapag araw ng S