"W-what? Makikipag-break ka sa'kin?" Hindi makapaniwala at mangiyak-ngiyak na bulalas ni Jakob nang kinabukasan ay sabihin niya dito ang desisyon. "Bae naman...bakit? May nagawa ba akong mali? Ha? Please sabihin mo dahil aayusin ko." Pinahid ni Kathleen ang mga luhang nag-uunahan sa pagpatak sa kaniyang mga mata. Kanina pa iyon tumutulo habang pina-practice pa lang niya na sabihin kay Jakob ang kaniyang desisyon. "I...I don't deserve you, bae." Pag-aatubili niya sa basag na boses. "H-hindi ko kayang makitang araw-araw kang pinagtatawanan nang dahil sa'kin. Hindi ko na rin alam kung paano sasabihin kina Mommy ang lahat ng ito." His face felt. "So this is all about what happened yesterday?" Marahang tumango si Kathleen. "Bae naman. Sinusubukan kong ipaglaban ka. Sana naman ganon ka rin s