Marimar Oquendo's Point Of View Natahimik ako matapos marinig ang sinabi ni Levi. Tikom na tikom ang bibig ko't nawalan talaga ako ng imik dahil sa gulat at sakit na naramdaman dahil sa narinig kong sinabi niya. Unti-unti na siyang dumistansya sa akin hanggang sa nasa tapat ko na ulit siya. Nakababa pa rin ang tingin niyang walang buhay, sa akin, tila hinihintay at pinagmamasdan ang mga emosyon na bumabalatay sa mukha ko. Nang mapansin niyang wala akong planong magsalita, ay naglakad na siya papalapit sa cabinet na kanina niya pa sana gustong puntahan. May kung ano siyang kinuha 'ron bago siya muling humarap sa at naglakad papalapit sa akin. "Here." Dumako ang tingin ko sa isang itim na tote bag na hawak niya, hindi ko man makita ang loob—alam kong marami iyong laman. "Ano yan?