Marimar Oquendo's Point Of View Malakas ang kabog ng puso ko, para na talagang kakawala mula sa dibdib ko. Kulang nalang 'eh magtutok na ako ng mic sa dibdib ko't magsilbing beat ang t***k ng puso ko dahil sa sobrang lakas. Pwedeng-pwede nang itugtog para sa mga nagsasayaw ng festival dance 'ron sa probinsiya namin. Ang lakas-lakad kasi talaga. Idagdag pa na napapalunok na lamang ako dahil parang nanunuyot ang lalamunan ko. Na-pepressure ako sa tanong kaharap ko't naghihintay ng sagot ko 'eh. Alam mo 'yung tao naman sana ang nagtanong sa akin pero pakiramdam ko 'eh si San Pedro na? Para bang nakasalalay sa sagot ko kung makakapasok ba ako sa langit o hindi, dahil sa kaba na nararamdaman ko. Jusko Lord talaga, nakaka-pressure si Sir Death. 'Yong titig niya pa sa akin 'eh. Ang likot tu