Marimar Oquendo's Point Of View Lukot ang mukha ko habang naglalakad kami papasok sa isang pharmacy. Tumatawa-tawa pa ang hinayupak sa buhay ko habang ang isa nama ay tahimik at nakangising aso na naglalakad at nakasunod lang sa akin. Hindi ko alam kung saan ba ako nagka-sala't naging ganito ang parusa sa akin ng panginoon. I mean, Lord naman 'eh. Hindi mo naman sigurado ako pinaglalaruan diba? Nanghingi ako sa'yo ng sign, tapos hayon! Ito ang nakuha kong trabaho. Ito naman siguro talaga ang trabaho pagpapayaman sa akin hindi ba? Para akong pinag-sakluban ng langit at lupa habang naglalakad ako. Bagsak ang balikat at lukot ang mukha, kaya hindi na ako magtataka kung bakit nagbubulungan ang mga taong nakakasalubong o nakakakita sa akin eh— "Nako! Ang pogi naman, single pa kaya 'yo