Tanghali pa lang ay umalis na kami ni Mark sa corporate house ng mga Mijares para simulan ang date na sinasabi niya. Syempre ay sasakyan niya ang gamit namin kaya naiwan doon ang sasakyan ko. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Dahil paulit-ulit kong binabanggit sa kanya na boyfriend ko siya ngayon ay kakaiba ang kilos niya kaya kanina pa ako nagpipigil ng ngiti. He's acting like a real boyfriend! At ang nakakainis ay parang natural na natural lang sa kanya at mukhang hindi man lang siya naiilang sa akin! Shìt! Parang sasabog na ang puso ko dito sa kaba! Samantalang siya ay sobrang relaxed lang! “Gutom ka na ba?” Natigil ako sa pag-iisip nang magsalita si Mark. Nang lingunin ko siya ay naka-focus lang ang tingin niya sa daan habang nagmamaneho. Hindi ko na na