Kahit na alam naman ni Mark ang number ko ay hindi pa rin siya nagpaparamdam at hindi ko rin naman siya nakikita kaya minsan ay parang gusto kong i-delete na lang ang number niya sa contacts ko! Kapag nakikita ko si Siob ay palagi akong nag e-expect na pupunta rin siya kaya nang ma-realized ko ‘yon ay iritang irita ako sa sarili ko. Hindi ko na tuloy mapigilan ang sarili ko na i-share kay Siob ang nararamdaman ko lately. “I don’t wanna think about what happened between me and Mark, Siob. Pero kusa ko na lang na naiisip kaya hindi ko tuloy alam kung paanong kakalimutan ‘yon.” Tumingin siya sa akin matapos ibaba ang tasa ng kape na inihanda ko para sa kanya. Wala naman siyang business dito sa LEF ngayong araw at sumama lang daw sa asawa niya dahil may date silang dalawa pagkatapos. Ang as