Pagdating sa sports complex ay pumili ako ng bench na malayo sa court para walang makapansin sa akin. Hindi ko alam kung bakit sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Siguro ay dahil sa pangalawang pagkakataon ay nagkagusto na naman ako sa lalaking hindi naman ako gusto! Inis na pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. Inis na inis ako dahil alam kong ang pag iyak ko ngayon ay confirmation na sa sarili ko na tuluyang natabunan na ng kung anong nararamdaman ko kay Mark ang feelings ko para kay Justin. Crying over it and accepting it to myself is my last resort. Simula ngayon ay alam kong tuluyan nang mawawala si Justin sa isip ko at haharapin ko naman ang panibagong dilemma na napasukan ko. “Nakakainis! Why do I always have to fall for someone I can’t have?” frustrated na bulong ko habang