“Here. I did write the solutions so that you can understand clearly how I solved them.”
Tickle slowly looked up to see her classmate Angel talking to her younger sister. Angel is almost four years older than her and her sister is a freshman and also studying in Wesley High.
She watched how her little cute face lit up when Angel handed her the notebook where she solved her sister’s assignment.
“There you go! Thank you so much, Ate! You are really the best sister in this world! I love you so much, Ate Angel ko!” her little sister proudly said and hugged her so tight. She immediately felt jealous while looking at them.
Sa kwento pa lang ng matalik na kaibigan at kaklase na si Angel ay sobrang naiinggit na s’ya kapag sinasabi nito kung gaano ito ka-close sa nakababatang kapatid nito. Angel always looked fond of her sister and her sister is always proud of having her. Kaya naman sa araw-araw na nakikita n’ya ang mga kaibigan at kaklase na mayroong nakababatang kapatid ay kakaibang inggit ang nararamdaman n’ya. Kahit ang kaedaran n’yang pinsan na si Damon ay sobra-sobra ang closeness sa mga Ate nito. Damon is always proud of her sisters and he’s just so lucky dahil hindi lang naman nag-iisa ang Ate nito dahil dalawa ‘yon at kambal pa na pareho pang maganda at achiever na sa batang edad pa lang. Kaya hindi n’ya maiwasang mainggit sa tuwing nakikita n’ya itong proud na proud sa mga Ate nito.
And because of that, Tickle was always thrilled and curious about the feeling of having someone who is younger than her. Gusto rin n’yang maranasan na magkaroon ng mas nakababatang kapatid at maramdamang mayroon ding isang taong magiging proud sa kanya at maipagmamalaki n’ya rin sa mga kaibigan at kaklase n’ya.
Pero mukhang imposible na yatang mangyari ‘yon dahil sa kalagayan ng Mommy n’ya. Her Mom is having a fertility issues, kung saan hindi na gano’n kalaki ang posibilidad na mabuntis pa ito lalo na ngayon na nagkaka-edad na ito at idagdag pa ang nature ng trabaho nito na masyadong stressful. Both of her parents are lawyers. Sa sobrang laki ng bahay nila ay madalas n’yang maisip na mas magiging masaya siguro kung hindi lang silang tatlo ang nakatira doon bukod sa mga katulong at personal bodyguards ng Daddy n’ya.
Hindi tuloy mawala sa kanya ang kahiligan na mag-alaga ng kung anu-anong hayop para kahit papaano ay may makalaro s’ya at malibang lalo na kapag dumadating ang summer at madalas na nasa bahay lang s’ya dahil hindi naman gano’n kaluwag ang parents n’ya sa kanya para payagan s’yang magliwaliw sa bahay ng mga kaklase n’ya sa tuwing bakasyon. Mabuti na lang at katabing-katabi lang ng bahay nila ang bahay ng pinsan n’yang si Damon, na madalas namang wala dahil busy sa pakikipaglaro kasama ang mga barkada nito. Unlike her Dad, Damon’s Dad is not that strict. Siguro ay dahil lalaki ito at s’ya ay babae kaya gano’n na lang ang paghihigpit ng Daddy n’ya sa kanya lalo na sa pakikipag boyfriend!
Hindi n’ya tuloy maiwasang ikumpara ang sarili n’ya sa nakatatandang pinsan n’ya na si Eureka Yu, ang isa sa kambal na Ate ni Damon. Grade 3 pa lang daw ito noon ay mayroon na itong crush at alam na alam ‘yon ng Daddy nito. Samantalang s’ya ay ilang buwan na lang ay graduate na sa High School pero wala pa rin s’yang kahit isang nagiging boyfriend!
Sobrang napag-iiwanan na s’ya ng matalik na mga kaibigan at kaklase na sina Angel at Mhariel na hindi na mabilang sa daliri ang naging boyfriends! Samantalang s’ya ay hanggang crush lang at sobrang patago pa at palaging hindi makaporma dahil bantay-sarado s’ya parati ng mga bodyguards ng Daddy n’ya!
Mabilis na tumakbo si Tickle para humalo sa mga kaklase n’ya na excited na excited din para sa gaganaping Friday Mass para sa araw na ‘yon. Tuwing Friday ay maagang natatapos ang klase nila sa hapon dahil sa halos dalawang oras na ginugugol nila sa pag-attend sa Friday Mass. Ngiting-ngiti s’ya nang maabutan sina Angel at Mhariel na nauna na sa kanya at sinabing doon na lang sila magkita dahil may sinoli pa s’yang mga libro sa library.
“I heard Alexis will be the lead vocal of the choir today!” nakangising paalala ni Angel sa kanya na halatang may panunudyo sa tinig.
“Are you excited?” nakangising tudyo rin ni Mhariel na sinundot pa ang tagiliran n’ya kaya kinagat n’ya ang ibabang labi habang nagpipigil ng kilig.
Alexis is her crush and he probably knew it because whenever she’s looking at him, he always looks away. Kinikilig s’ya sa tuwing makakasalubong n’ya ito na kasama ang mga barkada nito dahil palagi n’yang naririnig na tinutukso ito ng mga kabarkada sa kanya. Nagpapatay-malisya na lang s’ya dahil ayaw n’yang kumalat iyon sa buong school at makarating pa sa Daddy n’ya! Minsan na nga lang s’yang magkaka-crush ay baka pati sa pag-attend sa Friday Mass ay pigilan pa s’ya nito dahil hindi naman iyon required sa lahat ng mga estudyante lalo na sa mga iba ang paniniwala.
“Stop it, you two!” agad na saway n’ya sa mga kaibigan nang makitang papalapit sa gawi nila ang isa sa mga bodyguards ng Daddy n’ya. Kumunot ang noo n’ya dahil natanaw n’ya sa di kalayuan ang van nila. Alam naman ng mga ito ang schedule n’ya tuwing Friday kaya takang-taka s’ya dahil maagang sumundo ang mga ito. Sinenyasan s’ya ng mga kaibigan na hihintayin s’ya sa gilid kaya tinanguan lang n’ya ang mga ito at lumakad para salubungin ang bodyguard ng Daddy n’ya.
“It’s Friday. Why did you come so early ba?” kunot noong tanong n’ya kahit na medyo malayo pa ito sa kanya. Hindi ito agad nagsalita at lumapit pa muna sa kanya.
“Sinabihan kami ni Sir Travis na sunduin ka ng maaga ngayon. May mahalaga daw na sasabihin ang Mommy at Daddy mo,” sagot nito kaya napasulyap s’ya sa gawi ng mga kaibigan n’ya na napapatingin na sa suot na relo dahil ilang sandali na lang ay magsisimula na ang Friday Mass!
“What?” hindi makapaniwalang bulalas n’ya. “Eh he knows naman na every Friday is need kong mag-attend ng mass ‘di ba? What’s that important thing that he is going to say ba? Is that even more important than attending mass?” naiinis at iritadong reklamo n’ya dahil nakikita na n’yang naiinip na sina Angel at Mhariel sa gilid.
“Wala namang sinabi kung bakit. Basta sinabi lang na sunduin ka na,” sagot nito kaya lalo s’yang nairita. Inis na inis s’ya dahil kung kailan Friday ay saka naman itinaon ng Daddy n’ya ang mahalagang sasabihin nito. Pagkakataon na sana n’yang mapanood na kumanta ng live ang crush n’ya ay napurnada pa!
“Fine! Just wait for me here!” inis na sabi n’ya at halos nagpapapadyak na lumapit sa gawi ng mga kaibigan at sinabihang hindi na s’yang makakaattend ng mass dahil kailangan na n’yang umuwi. Inis na inis s’ya at halos padabog na sumakay sa van nila.
Buong byahe s’yang nakasimangot at hindi maiwasang maisip ang isang mahalagang araw na napalampas n’ya. Minsan na nga lang n’yang matititigan ang crush n’ya ng matagal-tagal ay naudlot pa!
Hanggang sa makarating tuloy sila sa bahay ay iritado s’ya at walang-wala sa mood nang humarap sa parents n’ya. Nasa malawak na living room ng mansyon nila ang mga ito at lalong kumunot ang noo n’ya nang makitang hindi lang ang mga ito ang naroon.
Isang lalaking matangkad na halos mas matangkad pa sa pinsan n’yang si Damon ang nakatayo sa gilid ng Daddy n’ya. Habang palapit s’ya sa mga ito ay lalong nagiging malinaw sa paningin n’ya ang itsura nito.
Tall, fair, masculine and definitely handsome! Iyon ang mga katagang sumagi sa isip ni Tickle nang mapasadahan ng tingin ang lalaki. Ilang beses na kumunot ang noo n’ya nang mamukhaan ito pero hindi n’ya matandaan kung saan n’ya ito nakita.
“There she is,” narinig n’yang sambit ng Daddy n’ya sa lalaki sa gilid nito kaya kitang-kita n’ya ang paglipat ng tingin nito mula sa Daddy n’ya papunta sa kanya. Ngingiti na sana s’ya pero agad na nawala iyon nang makita ang matalim na tingin na agad na ipinukol ng lalaki sa kanya. Tumaas ang kilay n’ya at inisip kung namamalikmata lang ba s’ya dahil imposible namang galit ito sa kanya gayong unang beses pa lang naman n’ya itong nakita. “Come here, Tickle. I’m going to introduce you to your brother,” narinig n’yang utos ng Daddy n’ya na lalong nagpakunot ng noo n’ya. Brother? Her brother? Did she hear him right?
“Brother, Daddy?” hindi na nakatiis na ulit n’ya at saka sumulyap naman sa Mommy n’ya na tahimik lang na nakamasid sa kanya bago ngumiti at tumango nang makita ang nagtatanong n’yang tingin.
“Yes, Tickle,” sagot ng Daddy n’ya kaya agad na nalipat ang tingin n’ya sa gawi nito. “Welcome to the family, Ryle. This is Tickle, your sister,” agad na pakilala ng Daddy n’ya sa lalaking nakatayo sa gilid nito. Unti-unting nag-angat s’ya ng tingin dito at nang masalubong ang tingin n’ya ay ni hindi man lang ito nag-abalang ngitian s’ya! “Tickle, this is Ryle Velasco. He is Rico's son and we have decided to adopt him. So, call him Kuya from now on,” dagdag pa ng Daddy n’ya kaya agad na namilog ang mga mata n’ya nang maalala ang lalaking binanggit nito. Rico was her Dad’s assistant who died last year after saving her Dad’s life! At itong lalaking nasa harapan n’ya ay ang lalaking nagsungit sa kanya sa burol pa mismo ng ama nito! Kaya naman pala sobrang pamilyar sa kanya ng mukha nito!
Agaran ang pag-iinit ng ulo n’ya nang maalala ang ginawa nito sa kanya noon at ang pagpukol nito ng masamang tingin sa kanya kani lang! Hindi n’ya maintindihan kung saan nagmumula ang iritasyon nito sa kanya pero wala na s’yang balak na alamin pa iyon. Kung ayaw nito sa kanya ay mas ayaw n’ya dito.
At ano daw? Kuya? The hell she would consider calling him that! Kahit magmakaawa ito sa kanya ay hindi n’ya ito tatawaging Kuya at mas lalong hindi n’ya ito kayang ituring na Kuya!
Agad na umiling s’ya ng sunod-sunod at saka salitang tiningnan ang parents n’ya.
“No way, Dad, Mom…” umiiling na sabi n’ya at saka inilipat ang tingin sa lalaking pasimpleng naka tiim-bagang habang tinitingnan s’ya. “There’s no way I would treat him like my brother,” sambit n’ya habang tinuturo ang lalaki. “Kuya my darn @ss!” umiiling na habol n’ya pa at mabilis na tumakbo paakyat sa grand staircase ng mansyon nila. Narinig n’ya pa ang pagtawag ng Daddy n’ya pero hindi na n’ya ito pinansin.
There’s no way she would have a brother like him! Nakababatang kapatid ang gusto n’ya at hindi isang mas matanda sa kanya na pasusunurin s’ya sa gusto nito!