THELIA'S POV Nang tuluyan ng gumaling ang sugat ko. Iniisip ko na kung paanong takasan si Zapanta ngayon. Nakakainis din kasi itong si Midori. Bakit naman kasi sinabi nya pa? Nagpalipas muna kami ng maghapon dito sa sinisilungan namin. Since naman na maganda ang panahon, akala ko hindi na masisinagan ng araw itong Alarvia. Nadadalaw naman ang araw dito kahit na papaano. “So, where are you going now?” basag nito sa katahimikan. “Hindi ka naman kasama sa mission ko. Better to go home na sa palasyo nyo,” sagot ko habang sumusubo ng pagkain. “Hindi ba p'wedeng samahan kita?” “Hindi na, kaya na namin ni Midori.” “Paano kung may mangyareng hindi na naman maganda?” “May gagabay naman sa 'kin.” “Thelia---" “P'wede ba, h'wag ka namang makulit!” Inis na sabi ko