THELIA'S POV Nag-umpisa na kaming umalis at mula rito sa kinalalagyan ko'y tanaw ko parin ang sobrang kinang na bituin. Hindi nila iyon pansin at alam kong wala rin silang idea. Huminga ako ng malalim saka naglabas ng pakpak mula sa aking likuran. Tumingin sila sa 'kin na nakakunot ang noo at nakikita ko ang mga tanong mula sa kanilang mga mukha. Ano bang mali sa paglabas ng pakpak isa pa wala namang ibang tao bukod sa amin. “Mukhang alam mo kung sa'n tayo pupunta ah?” takang tanong ni Tiara. Napalunok ako sa sinabi nya at napakagat ng kuko ko. Ano naman kaya ang idadahilan ko sa babaeng 'to. “Excited lang ako. First time kong mag-adventure kasama kayo,” sabi ko saka pinagaspas ang pakpak ko. “Me too!” sang-ayon ni bakla sa 'kin. “So, this is the first mission we w