Pagdating sa sinasabing resthouse ni Matteo agad na may sumalubong sa kanila nang ma i park na ni Matteo ang sasakyan sa tapat ng may malaking resthouse. "Good aternoon po Sir Matteo," bati ng lalaking may edad na sumalubong sa kanila. Medyo malayo rin ang Batangas mula sa San Ignacio, kaya hapon na sila nakarating ni Matteo sa resthouse nito. "Magandang hapon po Mang Bernie,' bati rin ni Matteo sa lalake. Napatingala naman siya sa dalawang palapag na resthouse ni Matteo. Moderno ito at hindi ordinaryong resthouse lang na basta makikita kung saan-saan. May mataas iyong hagdan mula sa labas patungo sa ikalawang palapag kung saan tila yari iyon sa salamin. "Mang Bernie, si Aaliyah nga po pala," sabi ni Matteo at lumapit sa kanya. Nagulat pa siya nang bigla siyang akbayan ng binata. "Si