Kinagabihan nag ayos na siya agad dahil als syete siya susunduin ng tauhan ni Matteo Leonardo. Sinuot niya ang mamahaling dress at sandals na bigay nito, pati na ang bag. Hindi na siya naglagay ng ano mang make up at kung anu-ano pa sa katawan, wala naman na kasi siyang ilalagay pa. Isa pa ayaw niyang mag ayos pa para na rin mawala na ang interes sa kanya ni Matteo at pabayaan na lang siya nito. Nang matapos siyang mag ayos hindi naman niya malaman kung paano lalabas mula sa maliit niyang silid, nasa may sala kasi ang dalawa niyang malditang pinsan at tiyak na mapapansin ng mga ito ang mamahalin niyang kasuotan. Tiyak na mag uusisa ang mga ito at kung anu-ano na naman ang sasabihin sa kanya. Lagi naman siyang pinupuna ng mga pinsan niya, at madalas inaaway pa pag nakitang mas maganda kung