Episode 23 Kira Tia's POV. “S-Sorry po!” Agad akong umupo at dinampot ang mga basag na parte nang baso. Natigilan ako nang bigla akong masugatan sa aking pagmamadali ngayon. “Ano ba! Bakit mo kasi ‘yan pinulot!” sigaw ni Trevor at inalis ang aking kamay sa mga bubog. Napayuko ako at hindi mapigilang mapaluha sa hindi ko malaman na dahilan. “Gideon, pabayaan mo na ‘yan! Kasalanan niya naman kung bakit nabasag ‘yang dala dala niya kasi tanga siya!” sabi ng fiancée ni Trevor. Napakagat ako sa aking labi habang hindi parin makatingin sa kanila ngayon sa hiya. “Sofia, umalis ka na muna dito.” Agad akong napatingin kay Trevor nang seryoso niya itong sabihin. Nakita ko ang gulat sa mukha nang babae habang nakatingin kay Trevor. “W-What? Ako pa talaga, Gideon?! Siya ang paalisin mo!” i