Episode 5
Pagkatapos ang karumaldumal na pangyayari sa pagitan naming dalawa ni Trevor pagkatapos naming gumawa nang rules ay dali-dali akong pumunta sa aking kwarto at nagkulong dito.
Hindi parin ako makapaniwalang wala na akong first kiss!
Muli akong napasubsob sa aking unan at tahimik na tumili. Natigil lang ako nang biglang mag ring ang aking cellphone. Umayos naman ako nang upo at tinignan kung sino ang tumatawag, nang makita kong si Naime ito ay mabilis ko siyang sinagot.
Nang sinagot ko ang kanyang tawag ay mabilis kong inilayo ang cellphone sa aking tenga nang bigla siyang sumigaw.
“GIRL!”
“Ano ba, Naime! Bakit kaba sumisigaw?!”
“Wala lang, namiss lang kita! Kamusta kayo ng jowa mo?”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
“Anong jowa ka jan! w-wala akong jowa.” Sabi ko.
Tumawa nang malakas si Naime sa kabilang linya.
“Pupunta kaming bar ni Isabelle ngayon, girl! Sama ka ba?”
Napairap ako sa tanong niya.
“Kailan pa ako sumama sa inyo, aber.”
“Oh! Oo nga pala. Sorry, girl! Baka kasi mag iba ang iniisip mo at sumama ka sa amin.”
Sa mga oras na ito parang gusto ko nga sumama kina Naime at Isabelle at uminom nang maraming alak upang makalimutan ko na nahalikan ko si Trevor!
Napailing ako. Hindi pwede. May iba pa naman sigurong paraan para makalimutan ko iyon.
“Sige, girl. Basta kung mag iba ang isip mo, tawagan mo nalang kami ni Isabelle!” sabi ni Naime at pinatay na ang tawag.
Humiga ulit ako sa aking kama at napapikit. Pero nang pumikit ako ay naalala ko naman ang malambot na labi ni Trevor na dumikit sa aking labi.
Mabilis akong napaupo ulit at ginulo ang buhok ko.
Nabo-boang ka na talaga, Kira Tia!!!
Humiga nalang ako ulit at pinilit na makatulog at pinilit na hindi isipin ang nangyari kanina.
Maaga akong nagising nang mag umaga na, mas nauna pa ako sa aking alarm na magising kasi gusto ko na makaalis ako nang maaga dito sa apartment habang tulog pa si Trevor.
Pagkatapos kong ayusin ang aking kama ay kumuha na ako nang tuwalya at aking mga damit upang makaligo na sa CR sa labas.
Tahimik akong lumabas sa aking kwarto habang hindi sinusulyapan ang pwesto ngayon ni Trevor na natutulog sa may sala.
Dumiretso ako sa may CR at nang aakmang bubuksan ko na pintuan nang CR ay bigla nalang itong bumukas, at bumungad sa akin ang Trevor na nakahubad habang tuwalya lang ang nakatakip sa kanyang beywang ngayon.
“AHHH!!!” tili ko at mabilis na napatalikod.
Napatakip ako sa aking mata at sinulyapan ang kanyang yummy abs na nababasa ngayon nang tubig at ang kanyang yummy biceps.
“B-Bakit ka ba nakahubad, huh! Diba nasa rules natin na bawal ka mag hubad!” sigaw ko habang nakapikit.
“Malay ko bang maaga kang magising. Kaya nga ako maagang naligo para hindi mo ako makitang nakahubad.” Sabi niya at nagsimula nang maglakad papuntang sala.
Napanguso nalang ako at sinulyapan ang kanyang matambok na pwetan habang naglalakad siya.
Olalah!
“Kira, nakikita kita.” Sabi niya at bigla akong tinignan. Kaya mabilis akong napaiwas nang tingin at dali-daling pumasok sa loob nang CR.
Nang matapos na akong maligo ay iniwasan ko si Trevor pag labas sa CR at dumiretso agad sa aking kwarto. Nag ayos na ako sa aking sarili at kinuha ang aking bag upang maka alis na.
Nang makalabas ako sa kwarto ay nakita ko si Trevor na nagluluto ngayon sa kusina.
Napasulyap naman siya sa akin.
“Aalis ka na? wala ka pang kain.” Sabi niya.
Napaiwas ako nang tingin sa kanya at sinuot na ang aking sapatos.
“Maaga ang trabaho ko ngayon. Doon nalang siguro ako kakain. Babye!” sabi ko at nagmadaling lumabas sa apartment.
Nang makalabas na ako ay doon pa ako nakahinga nang malalim.
Wooh! Buti nalang nakaalis na ako doon. Bakit kasi ako kinakabahan kay Trevor? Wala naman siyang ginagawang masama.
Napailing nalang ako at hindi na siya inisip.
Sumakay na ako sa aking kotse at dumiretso sa aking trabaho. Nang makarating ako sa aking trabaho ay nakita ko kaagad ang mga kasamahan ko na busy na.
“Good morning, Kira!” bati sa akin ni Joy na kasama ko sa trabaho.
“Good morning, Joy.” Bati ko pabalik at umupo na sa aking table para makapagsimula na sa aking trabaho.
Kinuha ko una ang binili kong sandwich sa labas nang building na pinagta-trabahuan ko at kumain upang hindi ako magutom. Pagkatapos kong kumain ay nagsimula na ako sa aking trabaho.
Habang nag ta-trabaho ako ngayon ay nasulyapan ko ang manager namin na si sir Rico. Napaiwas naman ako nang tingin nang bigla siyang mapasulyap sa aking pwesto. Matagal ko na siyang crush pero hindi ko pa sinasabi sa kanya ang nararamdaman ko kasi nahihiya ako, at isa pa parang may something sila sa katrabaho ko din na si Karen.
Buong araw akong nag focus sa trabaho ko at inalis muna lahat nang aking iniisip. Nang matapos na ang aking shift ay nag ligpit na ako at aakmang aalis na nang tawagin ako ni Sir Rico.
“H-Hello, sir Rico.” Bati ko sa kanya habang may kunti pang hiya.
Hindi ko siya laging nakakausap kaya nahihiya ako. Ngumiti siya sa akin kaya hindi ko mapigilang manghina.
“Gusto ko lang sanang eh congratulate ka, Miss Kira. Isa ka sa pinaka magaling na call center agent dito sa kompanya natin. Keep it up the good work, Miss Kira.”
Napangiti naman ako sa kanyang sinabi.
“Maraming salamat po, Sir.”
Ngumiti siya ulit at tinapik ang aking balikat at umalis na.
Bahagya pa akong natigilan sa kanyang pag tapik sa aking balikat kaya hindi ko mapigilang kiligin.
Buong byahe akong nakangiti habang pauwi sa apartment ko. Mas malaking achievement na kinausap ako ni Sir Rico kaysa sa ibang achievement sa kompanya. Kaya ko ginagalingan sa trabaho kasi gusto ko din magpasikat kay Sir, para naman mapansin niya ako.
“Ang creepy mo, ah.”
Napatigil ako sa aking pag iisip nang biglang magsalita si Trevor.
Panira talaga nang moment ang lalaking ito.
Nandito na ako sa apartment at nakaupo ngayon sa may couch habang nanood nang palabas.
“Anong ginagawa mo dito buong araw?” tanong ko at napatingin sa kanya.
“Hmm, ako ba?” tanong niya at tinuro ang sarili.
Napairap ako.
“Hindi, ‘yang nasa tabi mo.” Sarkastiko kong sabi.
Nakita ko ang panlalaki sa kanyang mga mata at napatingin sa kanyang tabi at mabilis na lumapit sa akin at kumapit sa aking braso.
Mabilis ko siyang inilayo sa akin at tinignan siya nang masama.
“Ano ba! Boang ka ba?!”
Napatingin siya sa akin na parang takot na takot.
“Sabi mo kasi may katabi ako.”
Napahawak ako sa aking ulo at napasabunot sa aking buhok nang makaramdam naman ako na tumataas na naman ang aking dugo.
Jusko. Kailangan ba talagang araw-araw akong bwesitin nitong si Trevor?
“Ewan ko sa’yo. Huwag mo nalang sagutin ang tanong ko kanina.” Sabi ko at tumayo na at pumunta sa kwarto.
“Kira! ‘Wag mo akong iwan dito!” rinig kong sabi niya bago ko sinirado ang pintuan nang aking kwarto.
Maaga ulit akong nagising nang umaga at pagkalabas ko sa aking kwarto ay nakita ko si Trevor na nag ka-kape sa may kusina. Basa ang kanyang ulo kna halatang bago lang itong ligo.
Buti naman at hindi ko na siya nakitang lumabas sa CR na nakahubad lang.
“Tapos na akong mag luto.” Sabi ni Trevor kaya napatingin ako sa kanya.
Napataas ang kilay ko at nakitang 6 AM palang.
“Anong oras ka ba nagising?” tanong ko.
Maliit siyang ngumiti sa akin.
“5 AM ako gumising. Inagahan ko talaga para naman maka kain ka pa nang breakfast. Hindi pwedeng pumunta kang trabaho na wala kang kain.” Seryoso niyang sabi.
Naramdaman ko naman ang mabilis na pagtibok nang aking puso kaya mabilis akong napaiwas sa kanya.
“S-Salamat. Maliligo lang muna ako.” Sabi ko at mabilis na pumunta sa CR upang makaligo na.
Nang matapos na ako sa pag ligo at pag aayos sa aking sarili ay pumunta na ako sa kusina upang makakain nang breakfast. Nakita kong nakaupo na doon si Trevor habnag kumain. Napatingin siya sa akin.
“Kumain ka na dito.”
Tumango ako at umupo na.
Tahimik akong kumakain ngayon at hindi makatingin sa kanya. Wala naman akong sasabihin kaya bakit ako magsasalita diba?
“Gusto ko sana sumama sa trabaho mo ngayon.”
Napatigil ako sa aking pag kain nang magsalita siya.
“Anong sabi mo?” namali ata ako nang pag dinig sa kanyang sinabi.
“Benge ka ba? Sabi ko sama ako sa’yo ngayon.” Sabi niya.
Inirapan ko siya.
“Ano ka, anak ko na walang magbabantay sa bahay kaya no choice ako at kailangan kong isama sa trabaho ko?” gigil kong sabi.
Ngumuso siya.
“Pwede din, baby mo naman ako.” Sabi niya at kinindatan ako.
Napahawak ulit ako sa aking noo at huminga nang malalim.
Lord, ilang ulit na ba akong tumawag sa’yo ngayon? Bakit mo ba dinali ang lalaking ito sa buhay ko. Mamamatay ata ako nang maaga sa stress sa lalaking ‘to.
Makalipas ang ilang minutong pag aaway namin sa hapag kainan ay pinayagan ko na siyang sumama sa akin sa aking trabaho. Pwede naman mag dala doon nang bisita basta hindi lang maka distorbo sa mga kasamahan namin.
Papunta na kami ngayon sa aking trabaho at hindi ko mapigilang ma distract sa malaking ngisi ni Trevor habang nakatingin sa labas ng bintana.
Sinulyapan ko naman siya habang patuloy parin sa pag da-drive.
“Ano ba! Tigilan mo nga ‘yang pag ngisi mo!” inis kong sabi.
Natigil siya at napatingin sa akin.
“Ano na naman bang ginawa ko sa’yo?! Bakit parati kang galit sa akin?”
Pati boses niya naiirita ako.
“Ay, ewan ko sa’yo! Basta mamaya tumahimik ka lang at ‘wag na ‘wag kang mag distorbo sa trabaho ko, maliwanag ba?!”
Ngumiti naman siya at nag salute.
“Ay! Ay, captain!”
Napailing nalang ako at maliit na napangiti sa kanyang ginawa.
Nang makarating na kami sa aking trabaho ay muli kong pinaalala kay Trevor na huwag siyang mag iingay at sumunod lang siya lagi sa akin. Sinunod niya naman ang sinabi ko at tahimik lang na nakasunod sa akin kaya nakaginhawa ako.
Habang papunta ako sa aking table ay nakita kong napatingin silang lahat sa akin at napanganga.
Nagtataka naman ako sa kanilang lahat. Natigilan nalang ako nang bigla akong harangin ni Hannah na katrabaho ko din.
“Sino ‘yang kasama mo?” tanong niya habang nakatingin sa tabi ko.
Nakita ko ang pag kislap sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Trevor.
“Anak ko ‘yan, walang magbabantay sa bahay kaya dinala ko.” Sabi ko at hinawakan ang kamay ni Trevor at dinala siya sa aking table.
Narinig ko ang bulungan nang mga kasamahan ko kaya napairap nalang ako at hindi sila pinakinggan.
“Bakit ang weird ng mga kasamahan mo dito sa trabaho?” bulong sa akin ni Trevor.
Napaharapan naman ako sa kanya.
“Huwag mo nalang silang pansinin, okay?”
Kinuha ko ang aking cellphone at binigay sa kanya.
“Mag install ka ng mga games jan at maglaro ka. Pahinaan mo ang volume ng cellphone para hindi ka makadistorbo.” Sabi ko.
Nakita ko naman siyang tumango at nag focus na sa aking cellphone.
Maliit akong napangiti at humarap na sa aking table at nagsimula nang magtrabaho.
Habang nag ta-trabaho ako ngayon ay bigla nalang pinatawag ang aking pangalan. Napatayo naman ako nang makita kong si Sir Rico ang tumawag sa aking pangalan. Hindi ko mapigilang kabahan nang makita kong seryoso ang kanyang mukha ngayon at parang galit.
“Y-Yes, sir?”
Ngayon ko lang nakita na may dala pala siyang mga papel at nakita kong mga reports ko pala ito. Lumapit siya sa aking table at padabog na nilapag ang mga papel.
“Ano pong problema, sir?”
Mapakla siyang tumawa kaya mas lalo akong kinabahan.
“Ako pa talaga ang tinatanong mo niyan?! Tignan mo ‘yang mga reports mo!”
Taranta ko naman na ginawa ang sinabi ni Sir. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kong mali-mali ang lahat.
Mabilis akong napailing at naiiyak na napatingin sa kanya.
“Sir, hindi ko po alam anong nangyari dito. Swear po, tama po lahat ‘yung pinasa ko sa inyo.”
“Huwag ka na mag alibi, Miss Uy! Akala ko ba magaling ka?! O baka naman nagmamagaling kalang? Mataba ka na nga, wala ka pang nagawang tama!” gali na sigaw ni Sir Rico.
Hindi ko naman mapigilang maiyak at mahiya sa kanyang sinabi. Masakit na marinig ang mga salitang iyon na galing sa lalaking matagal mo ng hinahangaan. Nakakahiya din kasi hindi lang ako ang nakarinig sa lahat ng sinabi niya kundi lahat ng katrabaho ko.
“GAGO KA!”
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nalang suntukin ni Trevor si Sir Rico sa mukha.
Napaupo naman sa sahig si sir at napahawak sa kanyang pisngi. Hindi pa tapos si Trevor, lumapit siya kay sir at muli itong sinuntok.
Mabilis akong lumapit dito at pinigilan si Trevor.
“Trevor, tama na!”
Baka kasuhan siya ni Sir.
“Gago ka! Wala kang karapatan na pagsalitaan nang ganyan si Kira! Panget mo! Potangina ka!” Galit na sigaw ni Trevor habang minumura nang pabalik balik si Sir Rico.
Niyakap ko sa likuran ko si Trevor.
“TAMA NA!” sigaw ko kaya natigilan siya.
Nakita kong duguan ngayon si Sir Rico, napasulyap naman siya sa akin at tinignan ako nang masama.
“YOU’RE FIRED!”
Magsasalita na sana ako nang mahawakan ni Trevor ang aking kamay.
“Kahit hindi mo sabihin ‘yan, aalis na talaga siya dito! Pakyo ka!” galit na sigaw ni Trevor at kinuha ang aking gamit bago ako hinila palabas nang aming opisina.
Hindi ako makapagsalita ngayon at nagpahila nalang nang kusa kay Trevor.
TO BE CONTINUED....