Episode 2

1176 Words
Episode 2   “Kailangan munang mag stay dito ng pasyente, pero next week kapag wala nang masakit na nararamdaman ang pasyente ay pwede na siyang umuwi.” Nakangiting sabi ng doctor sa akin at sa lalaking nabangga ko.   “Salamat, doc!” masayang sabi nito.   Tumango ang doctor at lumabas ng kwarto. Bumuntong hininga ako at hinang napaupo sa couch at napatulala.   Chineck kanina ng doctor si Lalaki, ‘yan nalang muna ang itatawag ko sa kanya kasi hindi ko sila kilala at hindi niya maalala ang kanyang pangalan. So, tinignan ng doctor si lalaki kanina at nalamang nagka amnesia nga talaga ito. I asked the doctor kung kalian babalik ang memorya nito, pero sabi ng doctor ay hindi siya sure basta ‘wag lang daw pilitin na makaalala kasi babalik lang ito ng kusa.   “Okay ka lang, Kira” rinig kong sabi niya.   Alam na niya ang pangalan ko kasi nakita niya ang aking id.   Hina ko siyang tinignan at inirapan.   “Mukha ba akong okay?” malamig kong sabi.   Ngumuso siya at umiwas ng tingin.   “Sorry,” sabi niya.   “Don’t be. Hindi mo kasalanan na magka amnesia.” Sabi ko at humiga sa couch.   Wala pa akong tulog galing trabaho at kailangan ko talagang makatulog ngayon kasi baka hindi ko makayanan mag trabaho bukas at antukin pa ako.   “Maybe my name is Trevor?”   Napamulat ako at napatingin sa kanya na nakahawak ngayon sa kanyang panga at nakatingin sa kisame na parang nag-iisip.   “O hindi kaya Luke? O baka Trevor Luke?” parang tanga niyang sabi habang kinakausap ang sarili.   “Baliw ka ba?”   Nagulat siya at mabilis na napatingin sa akin.   “Akala ko natulog ka na.” sabi niya.   Umirap ako at muling napaupo.   “Paano ako makakatulog kung ang ingay-ingay mo.” Mataray kong sabi.   Napakamot siya sa kanyang ulo at parang nahiya sa kanyang ginawa.   Ewan ko ba pero hindi bagay sa kanya ang pagiging inosente ang aura, kasi habang tinitignan ko siya ay para siyang isang pasaway na mayaman na spoiled brat.   “Trevor nalang, mas maganda.” Suggest ko sa magiging pangalan niya para hindi na siya mahirapan.   Ngumiti siya sa akin.   Peste. Bakit ang pogi niyang ngumiti?   “Talaga? Sige! Trevor na ang pangalan ko.” Masaya nitong sabi at humagikhik.   Napailing nalang ako habang may ngiti sa labi at bumalik sa aking pagkakahiga at pinagpatuloy ang aking plano na matulog.   Isang linggo na confine si Trevor sa hospital. Pagkatapos ng aking trabaho ay agad akong pumupunta sa hospital upang bantayan siya at bilhin ang mga resita na binibigay ng doctor. Maaga din akong nagiging at umuuwi sa aking apartment upang makaligo at makapag-ayos. Hindi na ako nakakasama sa mga gala nila Naime at Isabelle kasi masyado akong busy. Hindi ko din masabi ang totoo sa kanila at tungkol kay Trevor kasi nahihiya ako. Sa susunod nalang siguro kapag okay na.   “Saan tayo pupunta?” tanong ni Trevor sa akin na parang bata na nakasunod sa aking likod.   Na discharged na si Trevor sa hospital at pauwi na kami ngayon sa apartment ko. Wala akong choice kung hindi ay isama siya doon at doon muna manirahan hanggang sa makaalala siya. Pwede naman siya sa may sala matulog kasi isa lang ang kwarto ng aking apartment.   “Uuwi na tayo.”   Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.   “Taga saan ka ba?”   Tinignan ko siya ng matalim kaya mabilis siyang umiwas ng tingin at ngumuso.   Siya ang nagdala ng mga gamit na dinala ko sa hospital at nilagay sa likod ng aking kotse. Pinasakay ko na siya at umalis na kami.   Hindi na ulit siya nagsalita kaya naging payapa ang byahe namin.   Pinark ko sa may parking lot ng building ng apartment na tinutuluyan ko ang aking kotse at pinalabas na si Trevor. Dala dala niya ang dalawang bag habang tahimik na nakasunod sa akin. Nang makapasok kami sa building ng apartment ay agad kong nakita ang dalawa kong kapitbahay na chismosa at echosera.   Lihim ko itong inirapan.   Naghihintay kami ngayon ni Trevor sa harapan ng elevator. Nasa fifth floor kasi ang apartment ko at mahirap talaga mag hagdan kaya mag e-elevator kami ni Trevor ngayon.   “Sino ba ‘yang kasamang pogi ni Kira? Boyfriend niya ba ‘yan?”   Napairap ako nang marinig ko ang nakakairitang boses ni Trina.   Mga walang magawa sa buhay.   “Baka kasabayan lang ‘no! Impossible naman na maging boyfriend niya ‘yang poging lalaking ‘yan! Ang taba kaya ni Kira at hindi naman maganda.” Rinig kong sabi ni Margie.   Sinulyapan ko ang dalawang impakta at mabilis silang umiwas ng tingin na parang wala silang sinabing masama sa akin.   Nakita kong napatingin sa din sa akin si Trevor at napatingin sa mga impakta.   Nakakagigil talaga sila.   Ang sarap nilang sakalin.   Nang bumukas ang elevator ay nagmadali akong pumasok at tahimik na sumunod din agad si Trevor papasok.   Nang sumirado na ang elevator ay doon pa ako nakahinga ng maluwag sa pagpipigil ko kanina sa dalawang impakta na nakita ko.   “Okay ka lang? ikaw ba ang pinag-uusapan kanina ng dalawang babae? Tanong niya.   Hindi ko mapigilang mapairap sa tanong niya.   Obvious naman na kami ang pinag-usapan kanina. Wala namang ibang tao kanina sa may labas ng elevator kundi kami lang ni Trevor, at walang ibang pogi kanina sa baba kundi siya lang at wala ng iba!   “Wag mo nalang pansinin ang mga impaktang ‘yun.” Mataray kong sabi at lumabas na sa elevator nang bumukas na ito at nasa fight floor na kami.   Sumunod lang siya sa akin hanggang san akarating kami sa harapan ng apartment room ko. Binuksan ko ito at umuna nang pumasok at sumunod na din siya.   Maliit lang ang aking apartment. May maliit na sala na may TV sa may pader at maliit na couch. Sa gilid naman ay may maliit na lamesa at sa katabi nito ay ang kusina, sa kabilang parte din sa aking apartment ay may maliit na CR.   May maliit din akong kwarto na may pang isahang kama at cabinet.   Nakita kong nakatingin si Trevor ngayon sa loob ng aking apartment. Nakaupo siya ngayon sa may couch at nagmumukhang maliit ang couch ko sa kanya kasi masyado siyang Malaki.   “Isa lang ang kwarto ko, at hindi naman tayo pwede mag tabi ng tulog kaya jan ka lang sa sala matutulog.” Sabi ko sa kanya habang naghahanda ng makakain. “Salamat.” Nakangiti niyang sabi.   Napakurap ako at dali-daling umiwas ng tingin.   Bakit ba siya ngumingiti nalang bigla!   “Dapat huwag kang maging pabigat sa akin. Dapat tumulong ka din sa mga gawaing bahay.” Mataray kong sabi.   “Yes, boss!”   Napatawa nalang ako sa kanya at napailing.   Pagkatapos naming makakain nang aming hapunan ay nagpresenta siya na siya na ang maghuhugas ng pinggan kaya pinayagan ko na ito at dumiretso nalang sa aking kwarto.   Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako nang mahiga ako sa aking kama upang magpahinga sana ng ilang minuto lang.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD