TAONG hindi alam ang gagawin ang kalagayan ko ngayon. “Tay—tay.” “Ano? anong nangyari sa’yo?” “Wa-wala po ‘to tay.” “Anong wala? Ano ‘yan nasa hita mo? Bakit may sugat ka ba? Diyos kong bata ka. Hubo’t hubad ka pa diyan. At bakit ang panghi?” Dinampot ko kaagad ang damit ko’t pinunas sa mukha ko. bakas pa rin sa mukha ni tatay ang pagkataranta. Umakyat na ulit si Bayaw na hindi man lang napansin talaga ni tatay na sumilip rito. “Nasabit lang po kasi sa pako ‘tong puwit ko tay… diyan, diyan po sa pintuan.” Tinuro ko ‘yong pintuan sa kusina patungo sa likod bahay, “…medyo masakit po at nagdugo kay nahubad ko ‘yong shorts ko. kanina pa po, nakahubad ‘tong damit ko, medyo mainit po kasi sa kwarto kaya nakahubad po akong bumaba rito sa kusina.” “Ganoon ba? Bakit mapanghi? Naihi ka ba sa