KABANATA XVI-A

2182 Words

KABANATA XVI NA sadyang hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi sa akin ni Kuya Sam. Kanina habang kumakain kaming dalawa, hindi rin talaga ako umiimik pa na para bang hindi ko na muna gustong makipag-usap. Hindi ko na hinanap pa si tatay, hindi ko na rin siya nahintay pa para sabay-sabay sana kaming kumain. Nakakaramdam ako ng hiya ngayon. Nahihiya akong humarap kay tatay dahil alam naman pala niya, nagawa ko pa ring magsinungaling sa kaniya at halos araw-araw kaming nagkikita rito, nagkakausap tapos nagpapatay malisya lang ako sa kung anong naabutan niya noong araw na ‘yon. Hindi ko nga alam kung paano ko ngayon haharapin talaga si tatay, kung makakaharap pa ako sa kaniya. Parang gusto ko na lang din talagang umalis dito, pero saan naman ako pupunta? Sa NCCP? Doon sa isang ate ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD