“TAONG hindi nakakagawa ng kasalanan? Wala naman atang ganoong uri ng tao. Lahat ng tao meron kasalanan o nakagawa na ng kasalanan.” Sabi ni tatay habang naglalakad kaming dalawa pabalik sa looban. Umalis din kasi ako kaagad sa bahay, hindi ko magawang makatagal na marinig o masilip ko kung ano man ang ginagawa ng mag-asawa sa loob bahay, lalo pa’t si ate ‘yon at si Kuya Sam. Eksaktong nakasalubong ko siya, pabalik sana siya sa bahay nila Tito Barok. Meron lang daw kasi siyang pinuntahang kaibigan. “Ibig mong sabihin tay, kahit mga pari nakakagawa rin ng kasalanan? Kasi tao rin naman sila.” “Iba naman sila, at bakit mo ba natanong ‘yan?” “Uhm, nakagawa po kasi ako ng kasalanan kagabi tay. Hindi lang po basta kasalanan, matinding kasalanan.” “At anong kasalanan naman ‘yon?” “Uhm, basta