KABANATA X MAGMAHAL na lang kaya ako ng isang kagaya ni Kuya Yvar. Pogi. Moreno. Matangkad. Maskulado. Barakong-barako hindi lang panglabas na anyo pati na rin sa kaniyang kakaibang uri ng amoy. Iyong amoy na sa kaniya lang talaga, na siya lang talaga ‘yon meron ganoon uri ng amoy kaya kahit na papikitin ako, malalaman, at malalaman kong siya ‘yon. Pero paano ko siya mamahalin? Hindi pa nga ako nagkakaroon ng boyfriend mula noong isinilang ako sa mundo… at isa pa, hindi porket meron siyang abs ay ipagpapalit ko na ang tatay niya sa kaniya. Ang bayaw ko pa rin talaga ang first love ko, well, bukod kay nanay syempre, pero sa lalaki siya ang unang nagpatibok ng pusong bakla ko. “Maghubad ka na riyan at sabayan mo na akong maligo rito. Masarap ang tubig dito, ubod ng lamig.” “Hindi ko na