KABANATA IX-A

2927 Words

MAPANGHUSGA, mapanukso, inggetero at integetera ang mga tao. Kahit ‘yong pinakamaliit na bagay na hindi kaaya-aya sa paningin nila, papansinin nila, hindi sila magiging masaya lalo na kung meron ibang taong masaya. Naging likas na ‘yon sa kanila, lalong-lalo na sa mga taong taga rito sa lugar namin. Malakas nga ang pakiramdam ko talaga na nagpa-plastikan na lang ‘yong mga magkakapitbahay dito. Isang malaking palaisipan kung paanong nangyaring napunta lahat ng tao rito sa dulong bata na parang magkakaugali. Kaya siguro ako umalis dito kasi hindi nila ako kagaya. O siguro, naging mapanghusga rin ako kasi nga sinasabihan ko noon si Horsy na pangit siyang bakla, kasama ako ng ibang kalaro namin na tinutukso siya kung minsan, minsan madalas talaga pero siya kasi ‘yong tipong walang pakialam sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD