*Ai's POV* Umalis kami sa restaurant na kinakainan namin kanina at naisipan na lang na mamili. Magkasabay pero nahuhuli kaming maglakad ni Gabbie samantalang yung mga lalaki kasama yung mga bata. Buhat-buhat ni James si Isha habang kausap ni Rafael si James. "Possessive pala si James" Lumingon ako kay Gabbie before I rolled my eyes. Ayoko siyang sagutin dahil may masasabi na naman ang kaibigan kong ito at baka ano pa ang maikomento ko. Tinignan ko na lang ulit ang mag-ama ko. Hindi na ba talaga ako makakawala kay James? Hindi ko na ba ulit maitutuloy ang buhay ko sa Singapore? "I want to go back" Nagtaas ng kilay si gabbie sa sinabi ko at tiyak na iniisip niya kung saan "Gusto ko ng bumalik sa Singapore. Andoon ang buhay ko at wala dito sa Pinas. Pwede naman siguro na puntahan ni J